Hanapan ang Blog na Ito

Biyernes, Agosto 17, 2012

UNNOTICEABLE CRY


 I was walking one day in the world with so many labyrinths and saw a lot of people, busy doing nothing. Saying some sort of shits about random story of a particular person and sharing their own opinion to their co-gossipers. As I keep on walking, there are so many things that run through my mind. I was really confused and there are so many questions in the inside of mine that needs an answer. How does this person do those things to me? Why do they have to be so mean?  Isn't it unfair? But I have no voice and courage to speak those words. I'm afraid if stand up and fight for my principles, I will just be criticized by the society where I belong with. Who cares? Nobody dares to listen to my kind. Who am I? I'm just a young blood with nothing, a girl with nothing to give up but herself. I keep on running in this world, keeps on dreaming and trusting myself even though I knew it will be another frustrations. I just want to escape from this misery. I keep on moving, believing that someday, I will be like them. How I wish to fill their shoes, becoming a successor of their seats. I felt hopeless as I keep on walking. I think, I think too much. Things became worst. I let them hold the pen while writing my own story. They are the one who ruled and ruined my life. It's hard to be a victim in this camaraderie. It's like my reflection in a mirror is distorted by socially constructed ideas of "real person". I don't know how to say those thoughts of mine. If I keep on explaining, People will say that I am defensive. If I do the opposite and keep myself in silence, they will think that I am a sinner. What the hell isn't it? I was a prisoner in their eyes. They don't know me. They don't know my story. They just know my name but not my story. They don't know the reason for every tear that rolls down on my cheek every time I remember those melancholic days of my life where they judge me and they became unfair to me. I just can't understand them. I tried my best to make out and decipher things but I cannot. I just don't get their pointless shit reasons. I'm sick and tired of neglecting them while they are killing me behind my back using their words like knives. Yeah I know, you don't have to remind me. You don't have to point out my imperfections and mistakes in life as if I don't even really see them. I'm the sucker and the loser in these hopeless dreams of mine. I screamed but nobody notice. *sigh* It's unfair, that's the only phrase that utters in my mouth every time I saw them laughing and cheering for the things that they don't even deserve. I used to be in this position. The pain that you have given to me is so excruciating. You know what? You are only proving that life is really unfair and the world is full of crap and shits. At least I'm not like thee. A lair, numb. Look and wait for my turn. Maybe next year, next month, next week, next day or tomorrow, I will find some colours in this black and white world of us. I will be the one who sits in your seat, sitting like a boss or worst; there is a big switching between you and me.  You'll see, and I’ll just wait.

Linggo, Hunyo 17, 2012

Walang basagan ng trip >:D


Isang araw wala akong magawa. Nganganism kumbaga. kaya naisip ko na mag-blog na lang. sa mga recent post ko puro advice tungkol sa mga sawi sa pag-ibig, mga pinana ni Kupido na hindi nagtagumpay sa Lovelife. kaya para maiba, Inlove naman ang peg natin ngayon.

Naranasan mo na bang mainlove? ( bawal tokis ah. sunugin ko bahay niyo.) syempre ako OO ang sagot kaya lang never akong minahal ng taong mahal ko. kung oo man, bilang kaibigan lang siguro. (drama on)  pero di tayo magpopokus dun sa madramang love story ko. Dun tayo magpopokus sa mga panahong inlove ako. at sa mga dream place ko na romantic para makipagdate sa future boyfriend ko :>

Isa sa mga pinag gagagawa ko pag inlove ako at wala talaga akong magawa ay ang pag-daday dream. yung tipong pag tinatamad ako mag blog, mag text, mag tweet, tumayo, maligo, lahat lahat na ay yan yung madalas kong gawin. Ano nga ba yung mga madalas kong iniisip sa mga ganyang panahon? syempre, iniimagine ko kami ng mahal ko na magkasama sa lugar na gustong-gusto ko talaga. sa mga "romantic places" na tinatawag. habang nakikipag emehan ka sa kanya.(yan! maharot!) kaya gumawa ako ng listahan ng mga lugar na pangarap ko na baka pangarap niyo din.

so ang una ay ang..

1.) Ferris wheel

Isa ito sa mga pangarap ko talaga. yung mataas na mataas ah.yung  pag gabi nakikita mo
buong city lights tas sobrang kikiligin ka at mapapa "I do" ka pag nag propose yung mahal
mo dun :D (I do agad-agad? Tulak kita dyan eh) kasi yung nasasakyan ko  palang ay yung ferris wheel sa  market-market. yung itlog dun. sobrang nag-enjoy nga ko eh.  nakakahiya sa five years old  kong pinsan na kasama ko sa loob. kaso syempre di mo maiiwasan na isipin, pano kung na stock o biglang tumigil yung ferris wheel? syempre nakakakaba yun. nakakataas ng presyon.

2.)Park

Alam ko matatawa yung mga pilosopo at epal (yung mga taong masarap kaltukan) pag narinig nila
tong lugar na to. well kasi baduy. pero hindi ko tinutukoy yung Makati Park o yung Luneta Park na
parang Divisoria ang peg sa dami ng mga nakikipag emehan. trip ko yung park na kami lang
nakakaalam o yung park na konti lang yung tao. syempre nandun yung eksenang bibilhan ka niya ng
balloon dun sa manong na nagbebenta habang kinikilig na na animoy nanunuod sa kapamilya gold. tas bibigyan ka nung guy ng pink or yellow flower habang may mascot na malapit sa inyo (ay bet ko talaga to).

3.)Bundok

ayan, eto ang aking favorite place sa tuwing ako'y nadedepress. gaya nga nung nasabi ko sa  mga recent blogs ko, masaya mamundok lalo na pag problemado ka. kaya lang naisip ko, pwede rin naman siguro maging romantic ang bundok di ba? may karapatan din siya. pero anyhow, pag nasa taas ka talaga ng bundok, magaan sa feeling. lalo na pag kasama mo pa yung taong mahal mo di ba? tapos sabay kayong magiislide pababa haha di joke lang, syempre dun lang kayo magrerelax.

4.)Rooftop

 Eversince, gustong gusto ko talaga sa matataas na lugar. kasi sobrang nakakarelax. makikita mo ung mga ilaw na parang stars pag gabi. Yung pinakamataas ko pa lang na napuntahan yung tuktok ng Makati city hall. Ang ganda kaya super kaya lang hapon e.kitang kita ung buong Makati :) Tapos noh, habang magkasama kayo dun, may surprise sya sayo o kaya habang nakatalikod ka, susuotan ka niya ng necklace yiee :'''> (tapos sabay tinulak ka e noh? haha)

5.)Sa tabi ng dagat

Ang romantic kaya kapag nakaupo kayo sa buhangin habang pinapanood ung sunset. di ba? tapos, dun lang kayo. hanggang lumubog ung araw. Tapos nakahiga ka lang sa shoulder ng mahal mo tapos ikikiss ka nya sa forehead. Hayyyy, ang sweet nu grabe. pag ganun, dun na ko titira sa dagat. :D

6.) Paglabas sa bahay, biglang may surprise

 Alam mo yung senaryo na, paglabas mo ng bahay, biglang may mga random na tao ung magbibigay sayo ng kung ano anong gamit tapos un pala ung clue mo para malaman kung nasan talaga ung mahal mo tapos pag nakolekta mo na lahat ng clue, makikita mo sya sa dulo tapos may prinipare syang surprise talaga para sayo. Parang extra challenge ang peg. Ang sweet nun sobra.
             
So yun lang naman yung mga dream place ko na para sakin romantic. Para saken lang naman, kung nababaduyan ka, bahala ka sa buhay mo (dun ka ng pampam ka :D) at para naman sa mga kaparehas kong kinikilig sa mga gantong lugar. Mabuhay tayo! Tayo tayo na lang nagdadamayan dito haha :D tama na nga tong mga halusinasyon na to, ang harot ko na masyado, wala namang lovelife haha. Cut na.


Syempre, hindi ako mawawala dapat sa eksena, kaya umaura na naman ako sa Favorite place ko :D


naghahanap ako ng lalaki ko. di nila ko sinasamahan eh :D

Iniisip kita, kaya lang di mo ko iniisip e :( (drama on lang peg :D)

Model ng "No Entry sign" :D
       

Huwebes, Hunyo 14, 2012

Putragis naman oh :'l


Minsan, naiinis ako sa sarili. Bat ba lagi na lang ako nasasaktan? eh kasi antanga ko e. Kala ko may taong kaya akong mahalin bilang ako. kala ko laging ako yung bida. kala ko siya na. kala ko pagkakataon ko na. kala ko okay na. Un pala ..

Bwisit na akala yan. san ba kasi nakuha yang salitang yan? sino ba nag-imbento nyan ng mapektusan. Sakit pala no. Limang letra pero sobrang mali. Sobrang sakit sa parte ko. Minsan tinitignan ko sarili ko sa salamin. anu bang mali saken? anu bang meron sa pagkatao ko? kaso lang, binabalik lang ng salamin yung tanung ko. kainis. Minsan di ko maiwasang mainsecure sa iba. eh kasi naman, ewan. Ayoko na mag-isip. mas lalo lang akong masasaktan.


Ganto kasi yun, isang araw, naniwala ako sa mga kasinungalingan nila. Kasinungalingan tanging "bullshit" na lang ang nasabi ko. Hirap pala mga dre ang umasa sa mga matatamis na salitang binibitawan nila at mga kilos na sobrang magpapahulog sayo sa bitag. Gustong ko pektusan sila, kaso anung karapatan ko? girlfriend ba ko? hindi eh. Ni hindi pa nga ko nililigawan eh. Kaya yun, iniiyakan ko na lang yung unan ko.

Lunes, Abril 30, 2012

Move on na friend.

How to Love Move on na friend.
Hmm, umiiyak ka na naman? Problemado ulit? Kandado sa kwarto, earphone sa tenga, emo ang peg.  Ay naku, alam ko yang dinadanas mo. Tip ko sayo, uminom ka na lang ng SLURPEEng tunaw at mag MOVE ON! Ilang beses na ba nagyari saken to? Siguro di na din mabilang. Partida, wala pa kong nagiging boyfriend nyan ah pero madalas ako mag move-on. 

MOVING-ON, oo sa una mahirap yan. Kailangan mo munang dumaan sa napakaraming hirap. Balde-baldeng luha, sakit sa puso, altapresyon, diabetes, etc. Pero pagkatapos mong maranasan yan, marerealize mo na, mukha  ka palang tanga. Oo yan din ang aking napagtanto. wala namang masama kung umiyak ka kasi masakit nga naman kapag broken ka lalo na kung nakipagbreak na siya sayo, niloko ka niya o di kaya ay pinaasa ka lang o kaya yung mga senaryong “pwedeng hanggang friends  lang tayo?”. (Awch. may naalala. Iyak na yan oh) Pero wag kang masayadong OA naman yung tipong nagwawala ka na, naglalasing, umiinom ng baygon, zonrox, shampoo with matching conditioner, etc.

Well anyways, pag-usapan natin ang mga steps para mag move-on. Based on my experience, maraming ways kung paano.

1.)    Ilayo ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya. Pwedeng itapon ang mga gamit na nagpapaalala sa mga sakit na iyong naranasan. Kung gusto mo sunugin mo na lang yung mga remembrance na galing sa kanya (para sa mga bitter to). Kung trip mo rin, ipakain mo na lang sa aso yung picture niya.
2.)    Magpakasaya. Hmm, maraming uri ng pagpapakasaya. Pero hindi yung tipong tatambay ka sa bar at magpapakalasing. Sumama ka sa mga kaibigan mo at gumala kayo sa kung saan-saan. O kaya mag “ME time ka”. mag shopping ka mag-isa. Mag-muni muni sa tahimik na lugar (try mo sa sementeryo). O kaya sumakay ka na lang sa ibat-ibang rides (anchors away, space shuttle, escalator, elevator, etc. ) basta yung mahihilo ka.
3.)    Mahalin mo ang sarili mo. Nung una ko narinig to, kala ko pagiging selfish yung pagmahal sa sarili. Pero hindi naman pala. ibig sabihin lang nito, magkaroon ka ng pagpapahalaga sa sarili mo. Give yourself a break. Kung gaano mo pinahalagahan yung taong minahal mo, ganun din ang Gawin mo sa sarili mo. Magkaroon ka ng time for yourself. Magpaganda ka. malay mo, pagnakita ka na niyang blooming, magsisi siya na pinakawalan niya ang babae/lalaking kagaya mo ;) (yun oh ! lumakas ang loob)
4.)    Make yourself busy. Marami namang bagay na pwedeng pagka-busyhan eh. Magtrabaho ka. mamasukan kang elevator operator sa Makati city hall (basta dun ka madalas sa 18th floor). Masaya rin kung itatary mo magbilang ng street light sa barangay niyo, magbilang ng langgam sa pader o manghuli ng langaw. O kaya makipagtitigan sa mga tarsier. oh di kaya mamasyal ka sa Paris, New York o sa mga overpass ng Edsa.
5.)    Uminom ng Pain killer. Bakit may pain killer dito? Haha. Try mo lang uminom, baka gumaling ka. try mo uminom ng gamot (biogesic, dolfenal, ascof lagundi syrup, alaxan , efficascent oil,katinko etc.) Oh kaya magmiryenda ka na lang ng anesthesia. 
6.)    Step forward. Basta laging keep moving forward. Wag ka ng lumingon para maka-move on ka na. Iwan mo na yang mga nakasanayan mong gawin with him/her. Ibahin mo ang iyong routine. Mag Aerobics ka na lang everyday  o kaya sumali ka sa Milo Marathon. (connect?)
7.)    Matutong lumandi. Isa ito sa mga pinaka effective ways para maka-move on. (tried and tested) makipag-fling ka. lumabas ka sa bahay niyo. Explore the outside world, Maghanap ng gwapo/maganda. malay mo may Makita ka dyan sa mga kapitbahay mo. Pero tip ko lang sayo, wag masyadong karerin ang panlalandi. Isa-isa lang. Wag ganid. Kasi baka masobrahan at masaktan ka  or worst ikaw ang makasakit.


Anyway, Hi-way, (credit kay Lizada)  yan lang yung mga tip na aking maibibigay. Sa totoo lang, di mo naman kailangan ng steps para maka move-on eh. Ginawa ko lang yan bilang gabay. Pero  na sayo parin yan kung anung gusto mong paraan para maghilom ang mga sugat na nariyan sa iyong puso (sakit sa ilong).  Tandaan mo na pag-umibig at nasaktan, wag kang umarte dyan na parang katapusan na ng mundo. Lahat tayo, siguro, nakaranas ng magmahal ngunit nabigo. Sabi nga ni Juris, (MYMP) Di lang ikaw. Kaya wag kang makasarili. Minsan we have to let go. Kaya nga tayo tinuruan ng nanay natin ng Close Open, para alam natin kung kelan maghohold at magle-letgo (daming alam ! ). Pero kung di ka na tinuruan ng nanay mo mag close open nung bata ka, pustahan tayo nanuod ka lang ng teletubbies at If I know, favourite mo dun si tinky winky (yung kulay violet na may antennang triangle sa ulo na laging may dalang red baguette bag kaya na isyu na isa daw siyang beki). Balik tayo sa pag momove-on, hindi madali ang usaping ito. Matagal bago mo masasabi sa sarili mo  na “I am totally moved on” (say it with feelings) .  Lalo na kung alam mo na nagmahal ka ng tama (dami ulit alam!)  Malalaman mo yan kapag talagang gising ka na sa katotohanan at tanggap mo na ang mga bagay na di mo talaga matanggap dati na kulang na lang magpablotter ka sa barangay hall dahil sa sobrang sakit. oh siya, masyado na tayong natutuwa sa mga pangyayari. To cut the story short, kung broken ka at nais mong makapag-move on, sabay tayong mamundok. Buti pa dun Masaya. Sayaw sayaw lang together with my katutubo friends tas  sabay slide pababa parang nasa rainbow.  Try it now ;)


bago tuluyang magwakas ang kuwento, nais ko munang ibalandra ang aking sarili. epekto ng mga taong kabababa lang sa bundok. :))


yan ang nagagawa ng pag momove-on.
kung saan saan rumarampa. :D




wala binalandra ko lang ang aking pagmumukha.
proud eh napagkamalang model ng sabon sa korea ;)












Martes, Abril 10, 2012

Advice para sa mga biktima ni kupido.

Love [luhv] noun


        a profoundly tender, passionate affection for another person.


                 Yun, Love na naman ang topic. sa totoo lang, ayoko pag-usapan to eh. bakit? kasi nakakaOP. pero kahit papano, naranasan ko na rin naman magamahal, pero yun nga lang, hindi ko pa nararanasan ang mahalin din ng taong minamahal ko maliban na lang sa mga kaibigan ko at pamilya. kaya nga sigruo kabilang ako sa grupo ng mga "No boyfriend since birth" for short, NBSB. 
                Masarap ba mainlove? oo naman. minsan nga ang corny at baduy eh, pero wala kang magagawa in the name of love. pag-inlove ka, gagawa ka ng effort para lang makita at makasama ang minamahal mo. yung tipong kahit mukha ka ng tanga, gora pa din ng gora. yung tipong papampam ka sa taong mahal mo para lang mapansin ka niya. yung kahit wala kang load at bigla siyang nagtext kahit GM lang, papaload agad. Yung isasakripisyo mo ang lahat para sa kanya. 
               eh Masarap ba masaktan? sige pagnahulog ka sa 18th floor ng builiding ng makati city hall tapos walang sumalo sayo tawa ka ha. siyempre masakit. lalo na pag-ikaw lang yung nagmamahal. yung buong akala mo na may gusto siya sayo, na mahal ka din nya at umaasa ka na magiging kayo, tapos mukha ka lang palang tanga? ang saya. Yan na, diyan maguumpisa ka ng umacting ng parang nasa koreanovela. laging may earphone sa tenga, umiiyak ng walang nakakaalam, Gm dito, tweet doon, update ng status dun. booming everyday (yung mukha ng mga taong stress, sabog, wala sa sarili). tapos magiinarte ka na ayaw mong kumain, at ang malupit doon, magsusulat ng suicidal notes, iinom ng mga pampatulog, rat killer, zonrox , shampoo, conditioner  with matching laslas sa pulso, sa braso, sa mukha, sa leeg. how nice. saya masaktan noh? 
               hala e pwede ba umiwas sa love? pwede, kung nailagan mo ang pana ni Kupido ;) kaw bahala dyan. buhay mo yan eh, wag mo ko idamay. pero tweet ka sakin pag nailagan mo talaga ha. well, as I said, lahat tayo nakakaranas mainlove. meron lang talagang mga taong, pa-Demur. kunwari walang alam sa love (tanga-tangahan lang teh o papansin lang?) meron din naman yung mga bitter-bitteran. ayaw daw ng topic about sa love (hala natamaan naman ako) pero deep inside, it's either nasasaktan talaga siya o feeling nasa teleserye lang. Yung pinsan ko ngang si forever 5 ( kasi every birthday nya, pag tinatanong siya kung ilang taon na siya, laging 5 years old ang sagot), inlove na eh. tignan nyo, walang pinipili ang love. Bata, matanda, single, It's complicated, Taken, married, basta pinana ni Kupido, wala ka ng kawala. You have to stay in it whether you like it or not. dalawa lang naman ang kahahantungan nito e, it's either you will be hurt or you will be happy. ako nga tinangka ko na ring umiwas dito eh, kaso lang, di kinaya eh. kaya madalas akong masaktan.(drama on?) 
                Paano ko malalaman kung inlove na ko? hindi naman ako love expert pero, siyempre based on my experience ang aking mga sagot. Nung mga panahong inlove ako, hindi ko alam na inlove na pala ako. nalaman ko lang yun dahil sa mga friends ko. siyempre napakasupportive nila kapag may crush ako. yung tipong nakakabuo mga friends ko ng cheering squad with matching yell pag anjan yung crush ko. tapos habang tumatagal, yung infatuation na yan nagiging malala. nabubuo si "LOVE" everyday and every night, nasa isip mo siya, uso daydreaming sa mga ganyang senaryo. stalker ka niya yung tipong lahat ng account niya sa ibat-ibang website, tinitignan mo at sinusubaybayan . blooming everyday. yung tipong isasacrifice mo ang lahat para lang makasama mo siya. gagawa ka ng paraan para mapansin ka niya. lahat gagawin mo kahit magbuwis buhay. wala kang makikitang pangit sa kanya o tanggap mo siya bilang siya. pag nagPM siya o tinext ka niya, you'll read his/ her messages all over again. di mo siya matignan sa mata ng diretso (maliban na lang kung banlag ka) tapos pagmagkasama kayo, ang saya-saya ng buhay mo, hindi mo alintana ang oras. kasi nga inlove ka na ! (congrats pag may mga ganyang sintomas ka! ) 
               Pano malalaman kung mahal ka rin nya? sinong siya? ah, yung mahal mo. hmm, ewan. depende yan sa tao. pero most commonly, malalaman mo na mahal ka rin ng isang tao kung, he or she is making an effort. for example, pinupuntahan mo siya ng walang dahilan. sabi nga ni Irene (Amnesia girl), bakit mo ba pinupuntahan ang isang tao? kasi mahal mo. (maliban na lang kung bumbay yan o yung mga naniningil ng renta sa bahay, mangungutang, lalo na yung mga makikikain, ay wag mo papasukin yan sa bahay niyo. ) 
mahal ka rin niya kung concern siya sayo. yung tipong minu-minuto, tinatanong niya kung kamusta ka na, kumain ka na, naligo ka na atbp. pag masydo siyang sweet sayo. special yung treatment niya sayo. Alam mo, mararamdaman mo naman yan kung mahal ka talaga niya. pero tip lang, wag kang masyadong assuming. yung papansinin mo ang lahat ng kanyang ginagawa at daig mo pa ang diksyunaryo sa pagbibigay ng kahulugan kahit wala naman talaga siyang gusto sayo. yung akala mo may gusto siya sayo kasi  tinitignan ka niya yun pala hoholdapin ka na. wag promise, masasaktan ka lang. nasaktan ka na hinoldap ka pa. 
                
               tip ko lang mga fellas. masarap magmahal at masakit masaktan. pag nagmahal ka, kailangan mong sumugal. pagnanalo ka sa sugal, ingatan mo yang napalanunan mo, wag mong ibalato. pag natalo ka, don't loose hope. meaning kung wala pang dumadating, maghintay ka. kung taken na si crush o yung mahal mo, maghintay ka lang din. pero kung wala talaga nangyari sa pag susugal mo, ay ibang laro na lang ang salihan mo. mag chinese garter ka na lang, laking tulong pa nun. isa pa, iwasan maging assuming. okay lang naman maging feelingera kung nararamdaman mo na may something siya sayo pero kung wala, itigil na ang mga ilusyon at halusinasyon. pagnasaktan, wag masyadong over-acting. okay lang namang umiyak eh, pero yung minuminuto ka umiiyak ,pag-iinarte na yan. mabuting gawin pag broken, mamundok at pag nasa tuktok ka na, mag slide ka pababa. masaya promise. oh siya, napapasarap na ang usapan natin. abangan niyo na lang ang susunod na kabanata. to cut the story short, the end. 






                
              eto nga pala ako. namundok ako sabi sa inyo eh. lam niyo yung "sa kamay ni hesus"? sa lucban, quezon. grabe sobrang taas at sobrang ganda diyan mga dre. eh nasa bundok ka ba naman kasi.




   ayan, sabi ko nga, pag-broken, mamundok at magslide pababa. yun pinaplano ko na ang aking pagiislide. hindi joke, nagsisight seeing lang ako. ganda kasi eh. punta na ! (makapromote lang eh noh? ) :D

Martes, Marso 27, 2012

ALPHA PHI CHUPAPI

                           *8:30 sa orasan ng cellphone* ..  OMG ! nung oras na tengene absent na ko ! >.< .... ay loading 10 %... 50 % ... 100%  letse, #MotherFather nakalimutan ko, wala pa lang pasok kasi graduation na later. :'( hayss , naalala ko na naman tong salita na to. ewan parang di naman ako excited  mamaya. Pagtingin ko ulit sa phone ko ang daming GM, nagdadrama on yung mga classmates ko pati friends lalong lalo na yung pinaka hot and sexy Vice-president ng aming klase na si CHYNNA PEARL RAIZA ORPILLA AQUINO :D. pero habang binabasa ko GM's nya, super naiiyak ako. ayun nag-umpisa na kong mag reminisce (nahirapan pa ko sa spelling :D).

                          "ALPHA PHI CHUPAPI" . ang ganda pakinggan, astigin ! kaso sumabit lang sa "chupapi". ito ay hindi naman isang Fraternity o sorority. wala, basta para lang tong pangalan ng grupo kapag may mga groupings sa classroom. feeling frat lang talaga to so yun, kinareer na namin. Di kami nambubully, siguro, pinagtitripan lang namin ung mga klasmeyt namin na kamuka nila ung ugali nila, mga bwisit naming klasmeyt na kala mo nag aaral sa La Salle sa sobrang kaartehan at kayabangan :D . Meron din tong mga rules and mga "initiations". para sa mga kinabwibwisitan na ming tao na gusto sumali dito, ang initiation ay, pag di sila namatay di sila pwede sumali sa frat (hahaha joke lang naman yun). para naman sa mga katanggap tanggap, may tatawiring bundok sa patag (madali lang naman eh). nga pala " Patag", ito ay isang lugar kung saan madalas nagpupulong ang mga board of directors ng Alpha Phi. nahuhubog ang moral mong pagkatao at dito nakakamit ang kalinisang puri at labis na kasiyahan . (basta maraming uri ng kasiyahan) . ayun balik tayo, wait may nagtatanong, kung kelan ba daw to nabuo. hmm, kelan nga ba? di ko na maalala. ang alam ko Division Achievement Test namin yun eh. si DOMINICA BUENCONSEJO ORTIZ (1529-    ) , ang founder ng grupong ito, siya ang nakaisip ng pangalan ng grupong ito. alam ko kausap kasi niya nun si Asiong Salompas ( isa sa mga lalaki niya sa bodega ) tas di ko alam kung pano naproseso sa utak ng babaeng yan ang pangalan na iyon. pero proud naman kami sa kanya. ang hirap kaya mag-isip ng pangalan ng grupo lalo na sa mga magagandang babae katulad namin :D (maganda din ako parang awa niyo na :DD ) so yun, nung una di ako masyadong active dito. kasi naman dahil sa SSG, tas nung mga kinalauan na, ayun gora gora na ko sa kanila. narealize ko na anlaki ng naitutulong nila saken pagdating sa emotional aspects pati sa kalandian aspects. basta di ko na matandaan kung kelan yung exact date ng pagkakabuo ng group na ito. tanung niyo sa founder namin, pero atleast hanggang ngayon, buo pa din kami :D . Ano ba mga activity ng Alpha Phi Chupapi? so far madami dami na din. nairaos na namin yung oplan hanap pogi 2011-2012, maraming beses namin nairaos yun. nag-canvass din kami for swimming sa pateros, yun yung lugar na lakad lang kami ng lakad at di namin alam kung may nakakaalala pa kung saan sasakay pauwi . may mga bago din  kaming mga projects, Swimming 12-13 alay-lakad 12-13 and continuous gala mode pa din :D basta madami pa yan at dadami pa yan.
                                   
                               hala, naiiyak na ko. andami kong mamimiss na memories natin :'( though hindi ganun kahaba ang pinagsamahan namin ng iba sa mga members dito, feel ko andami kong memories na ma-itetreasure ko, narealize ko, na kayo, yung Alpha Phi Chupapi Members, ang pinaka mamimiss ko, si Jac Lizada na mukang anes, tsaka si Realize :'(((( . ayoko magdrama sa GM kasi mahaba to masaydo para ilagay sa GM di ba? so ipapaprint ko ito at may tig-iisa kayong kopya :D. nalulungkot ako kasi pag pasukan na, ibang school na pala ang papasukan natin, for sure madalang na lang ang pagtambay natin sa Patag dahil iba iba tayo ng sched :'( . may makikilala tayong mga bagong mukha pero kahit na anung mangyari, promise I will never forget you guys. feel ko mahihirapan akong maghanap ng mga kagaya niyo. dahil nag-iisa lang kayo, kumbaga "Unique" at hindi ako nagsisi na nakilala ko kayo. kahit na maraming ugali ang nagbago sakin dahil sa inyo, hindi ako nagsisi, proud ako super. mas nakikita nyo yung totoo kong ugali compare sa family ko. sa inyo ko sinasabi yung mga ibang secrets ko lalo na pag tungkol kay ano.. ewan feeling ko wala akong pakialam sa oras pagkasama ko kayo. mamimiss ko yung tawa lang tayo ng tawa , yung pagiging bangag natin, yung pantitrip natin , mga kalandiaan na ginagawa natin, panunuod ng 3 idiots kila ruthy tas diretso tayo sa patag at ang patuloy na paghahanap ng mga lalaki. Handamee kong mamimiss sa inyo :'(( kaya nga hindi ako naeexcite mamaya sa graduation eh. kung pwede lang irequest na imove na lang yung graduation sa ibang araw e. Alam mo yung feeling na masaya kasi nairaos mo yung apat na taon mong pamamalagi sa PITOGO HIGH SCHOOL. kaso mas nangingibabaw ang kalungkutan kasi ang daming masasayang memories talaga :'(( na super mamimiss mo pag nasa college ka na? kayo yun guys, kayo yung mga taong kasama sa mga bumuo ng masasaya at nakasama ko din during sad days :'((( . narealize ko na super swerte ko kasi kaibigan ko kayo. sigh :'( ayon nga sa GM ng pinakamaganda at hot and sexy nating vice president, "next year, were on to our own different tracks". mga bakla at mamang walang makakalimot ah ! :D by the way gusto ko munang ipakilala sa inyo ang mga bumubuo ng ALPHA PHI CHUPAPI :)


Founder: Dominica Buenconsejo Ortiz (1529-  ) - ito yung babaeng matagal ko ng close, 2nd year palang kami magkaibigan na kami :) bangag at madalas parang lasing at may tagalay na kalandian. magaling pumili at mabilis ang mata pagdating sa lalaki . Ito rin yung babae na kapag nagdamit, bakat-bakatan ayon kay chynna. muntik pa nga kami mag-away nito dahil kay denniel eh. (yung choir na crush niya na naging crush ko) pero siyempre, mas pinili ko si dominica kaysa kay denniel ;)

Board members :

Chynna Pearl Raiza Mayores Orpilla -Aquino - ito yung hot and sexy vice president ng aming klase. Mayroon din siyan taglay na kalandian. sa unang tingin, parang anghel dahil tahimik pero hanggang unang tingin lang talaga. ex-seatmate ko na pilit kong inilalayo sa current seatmate niya na madalas sumigaw ng "SEATMATE!". siya rin yung madalas kong kopyahan dati lalo na sa mastery test sa math. magbebell na tsaka lang ako gigising ulit tapos mangongopya na ko sa kanya :D (best seatmate ! sa tanang buhay ko :D)

Ruthmae Fonacier Nisperos III - hmm, hay naku, wala akong masabi dito. siya yung pinakamaganda sa aming grupo. palaging maputi yung mukha. pagdating sa kalandian? lam na. mabilis din ang mata niyan pagdating sa mga lalaki. masaya din kasama to kasi pag inaasar ko to palagi akong nakakatikim ng sabunot. pero siyempre naiintindihan niya rin ako sa sitwasyon ko ngayon kasi dahil kay .. basta.

Loriemae "mimi"  G. Mapula-  ang babaeng tawa ng tawa. saya kaya tumawa ni mimi. mabait si mimi ngunit sadyang malihim. hindi ko alam ang about sa lovelife niya kasi nga malihim. pagdating sa kalandian? hindi ko masabi kasi nga malihim. sinong crush niya? hindi ko din alam kasi nga malihim. madalas ko rin kopyahan to nung 3rd year kasi magkakagrupo kami dati. mala-anghel din siya dahil sa katahimikan pero di siya katulad nung hot and sexy vice president namin :D

Judith C. Resuello - isang babae na akala mo sa una ay mahinhin. ngunit ako rin ay biktima ng ganitong karahasan. (haha nu daw?) bangag din yan si judith, ayos mantrip at malakas din sa laitan. basta matikas din yan. siya daw si "judithus" ayon sa hot and sexy vice president namin :D (kilala niyo na yun, kanina pa nababanggit eh ) at higit sa lahat minamahal siya ni Henry Tam :)

Boarding house (hahaha joke lang) House of representatives:

Karina Mae Niedo Ricafrente - hmm, maganda, may taglay din na kalandian at bongga manamit (pang philippine fashion week lagi ) at higit sa lahat, siya ang nag-iisang "MAHAL NA BIRTUD"

July Peter Fernandez - oi sinag! musta? hmm, magulo din minsan to si july eh. OT din gaya namin ni ruthy. pero kahit ganyan yan, masaya rin yan kasama kahit na nag dadrama on yan. mahal na mahal niyan si DP :))

Patricia Mae Roxas Zurbito Reyes Maurer- hmm, si paye, cute na bata yan. kala ko dati maldita yan, pero maldita nga. mabait naman yan kahit ganyan yan. pagdating sa kalandiaan? lantaran din yan :) magulo yung apelyido nyan kasi pabago-bago. :D

Manuel Bryan Rodriguez Catayna - ahm, glee addict yan masyado. heart throb pa. bestfriend ko siya nung first year. mabait then gwapo. hmm, may angking kalandian din gaya ng nakasanayan. alam ko naging pop sensation pa to eh. basta sikat tong lalaking? to. :))

Marjorie F. Dagooc- si marjorie, hindi kami ganun ka close pero napagtanto ko na mabait naman pala siya. actually dati ayoko sa kanya kasi madalas akong sungitan nito eh. pero nung nakasama ko na siya sa APC, mabait naman siya. ang alam ko mahal niya din si DP :))

Jenifer Alvarez Chan - siya si "Bruhildz" ayon kay sir Lopez. hmm, masaya rin siya kasama kasi minsan parang wala sa sarili. kahit nakaaway ko tong babaeng to, nagpapasalamat pa rin ako sa diyos kasi naging kaibigan ko siya na madalas manghingi ng pulbo :))

Joseph Mark Asaldo Catayna - haha. eto yung pinakamaganda kong nanay-nanayan. dati nag ppm saken to ng "...girl" kasi may sasabihin bout ka ANES. pero kinalaunan, naging mother ko :) masaya rin to kasama kasi malakas mambasag ng trip at malakas mantrip :D ayun, mahal na mahal niya pa din si ... DAD daw? :DD


at syempre hindi mabubuo yan kung wala ako :)) by the way, ako nga pala ang Tinkerbell na naging dora sa grupo at mayroon ding likas at angking kalandian gaya ng mga nakasaad sa itaas. maganda din naman at maarteng naka ayon sa mukha. :))

 


Fat :)) aka Patchii


                       

Lunes, Enero 30, 2012

Sa aking panayam kasama si Blogspot :)

                                    sigh -,- nalulungkot naman ako :( . hindi ko kasi alam kung ano ba talaga yung feeling ko as of now. MIXED emotions kumbaga. sobrang upset lang ako sa mga realizations ko at idagdag mo na rin yung putragis kong kaklase na sobrang yabang kanina sa school. nahiya nga ko sa kanya eh. sorry naman kung di ako matalino sa Math. yabang, magkamukha sila ng ugali niya. oh balik na tayo sa dapat talagang pag-uusapan. baka kasi mafocus tayo dun classmate kong mukhang tadyang. so ayun, wala akong mapagkuwentuhan at malabasan ng hinanaing ko kundi itong blogspot na to. kasi ganito yun, may bestfriend ako, itago na lang natin sa pangalang ANES. Gender: UNDEFINED ( joke lang lalaki to sabi niya) :D.  sa araw araw na ginawa ng diyos, tuwing may pasok o may meeting kami sa SSG, palagi ko tong kasama. kasi nga wala eh, wala naman akong matinong kaibigan kundi si ANES lang talaga (wag na nating ipilit yung iba). eto lang yung kaibigan ko na lagi akong naiitindihan. lagi kong kasama sa kalandiaan , pag broken siya  kay jen (yung maganda naming presidente sa SSG na sobrang mahal niya) , tinatawanan ko lang siya. pag ako naman ang nabroken sa mga lalaki ko, ganun din ang ginagawa niya. (shengene lang narealize ko) at take note: WIN NA WIN yan pagdating sa librehan. :D eto rin pala yung kaibigan ko na mahilig mangutang at magbabayad after ng isang buwan. kahit na P20 lang ang utang. sa mga kaibigan ko, siya din yung "patuloy ang pangarap". Gorabels sa pagaartista. basta abangan na lang natin siya lumabas sa mga TV niyo. (sumaSadako effect) :D . masaya awayin si ANES. bakit? kasi pag inaway mo to, minsan with matching patayan effect kami pag nag-aaway. kaya minsan nadidislocate yung panga ko dyan eh. mahilig kasi manampal. minsan naman walk-out drama on lang. parang tanga nga eh. ako yung galit siya pa yung may ganang magwalk-out. (wow ! how nice). ang advantage lang kapag may kaibigan kang lalaki? walang insecurities at hindi sila masyadong emosyonal at sensitive katulad ko pati ng mga kaibigan ko na babae. :D
                            moving on, eto nga, may ugali pala ako na Possesive (narealize ko lang last week) -_- narealize ko na madamot ako. na umabot sa point na gusto ko na ipagdamot yung kaibigan ko sa iba. wala akong gusto sa kaibigan kong si ANES. di kame talo, babae ako, babae din sya. :D nagtatampo lang kasi ako minsan na naiiwan ako sa ere minsan kapag may mga kasama na siyang friends niya na iba.( drama on?! ) tapos ayun pa balak niyang sumali sa cotillion. sinasabe ko lagi na wag na. tapos tinantanong niya kung bakit. lagi ko lang sagot "ewan, basta wag na kasi". yung totoo kasi, siyempre di ba as I said awhile ago, wala nga akong matinong kaibigan na sinasamahan ako at Gora lang ng gora kung saan ko gusto pumunta minsan maliban kay ANES. nandyan nga mga tropa ko, pero umuuwi din sila agad. siyempre pag nagcotillion siya, saan naman ako sasama? may speech choir nga kami, may mga friends nga ko dun pero after ng practice, saan naman ako pupunta. Uuwi na APC nyan for sure pano pag gusto ko pa rumampa at umaura? wala naman akong kasama kasi nga nasa practice siya ng cotillion. unlike kapag pinili niya ulit yung  speech choir, after ng practice, eh di gora all the way na sa kung saan man. di ba? :(  ewan. minsan kulang na batukan ko to para lang mapilit na wag na sumali sa cotillion eh. lagi ko naman siyang sinusuportahan sa mga pangarap niya eh, hindi ko lang talaga magawa yung sa usaping cotillion. nalulungkot na nga ko kasi kailangan ko pala sanayin yung sarili ko na hindi ko na siya makakaGorahan masyado pag nagcollege na kami. :(. nung absent nga siya, I feel empty and incomplete ika nga nila :D totoo naman eh nasanay na talaga kasi ako na lagi ko tong kasama. kaya talaga pag grumaduate ako, ung APC, si Realize at si ANES yung talagang bonggang bongga kong mamimiss. (taray, kayo na ! ) :D (seriously). wala bukod sa nalulungkot ako kaya nagkuwento ako kay blogspot, wala rin kasi akong magawa. nga pala eto si ANES ..


eto nga pala si ANES. wag na natin siyang ipakilala, itago na lang talaga natin siya :DD
Jan Alfred Christoper Solis aka JAC Lizada. ang arte arte may JAC pang nalalaman :D