Hanapan ang Blog na Ito

Lunes, Enero 30, 2012

Sa aking panayam kasama si Blogspot :)

                                    sigh -,- nalulungkot naman ako :( . hindi ko kasi alam kung ano ba talaga yung feeling ko as of now. MIXED emotions kumbaga. sobrang upset lang ako sa mga realizations ko at idagdag mo na rin yung putragis kong kaklase na sobrang yabang kanina sa school. nahiya nga ko sa kanya eh. sorry naman kung di ako matalino sa Math. yabang, magkamukha sila ng ugali niya. oh balik na tayo sa dapat talagang pag-uusapan. baka kasi mafocus tayo dun classmate kong mukhang tadyang. so ayun, wala akong mapagkuwentuhan at malabasan ng hinanaing ko kundi itong blogspot na to. kasi ganito yun, may bestfriend ako, itago na lang natin sa pangalang ANES. Gender: UNDEFINED ( joke lang lalaki to sabi niya) :D.  sa araw araw na ginawa ng diyos, tuwing may pasok o may meeting kami sa SSG, palagi ko tong kasama. kasi nga wala eh, wala naman akong matinong kaibigan kundi si ANES lang talaga (wag na nating ipilit yung iba). eto lang yung kaibigan ko na lagi akong naiitindihan. lagi kong kasama sa kalandiaan , pag broken siya  kay jen (yung maganda naming presidente sa SSG na sobrang mahal niya) , tinatawanan ko lang siya. pag ako naman ang nabroken sa mga lalaki ko, ganun din ang ginagawa niya. (shengene lang narealize ko) at take note: WIN NA WIN yan pagdating sa librehan. :D eto rin pala yung kaibigan ko na mahilig mangutang at magbabayad after ng isang buwan. kahit na P20 lang ang utang. sa mga kaibigan ko, siya din yung "patuloy ang pangarap". Gorabels sa pagaartista. basta abangan na lang natin siya lumabas sa mga TV niyo. (sumaSadako effect) :D . masaya awayin si ANES. bakit? kasi pag inaway mo to, minsan with matching patayan effect kami pag nag-aaway. kaya minsan nadidislocate yung panga ko dyan eh. mahilig kasi manampal. minsan naman walk-out drama on lang. parang tanga nga eh. ako yung galit siya pa yung may ganang magwalk-out. (wow ! how nice). ang advantage lang kapag may kaibigan kang lalaki? walang insecurities at hindi sila masyadong emosyonal at sensitive katulad ko pati ng mga kaibigan ko na babae. :D
                            moving on, eto nga, may ugali pala ako na Possesive (narealize ko lang last week) -_- narealize ko na madamot ako. na umabot sa point na gusto ko na ipagdamot yung kaibigan ko sa iba. wala akong gusto sa kaibigan kong si ANES. di kame talo, babae ako, babae din sya. :D nagtatampo lang kasi ako minsan na naiiwan ako sa ere minsan kapag may mga kasama na siyang friends niya na iba.( drama on?! ) tapos ayun pa balak niyang sumali sa cotillion. sinasabe ko lagi na wag na. tapos tinantanong niya kung bakit. lagi ko lang sagot "ewan, basta wag na kasi". yung totoo kasi, siyempre di ba as I said awhile ago, wala nga akong matinong kaibigan na sinasamahan ako at Gora lang ng gora kung saan ko gusto pumunta minsan maliban kay ANES. nandyan nga mga tropa ko, pero umuuwi din sila agad. siyempre pag nagcotillion siya, saan naman ako sasama? may speech choir nga kami, may mga friends nga ko dun pero after ng practice, saan naman ako pupunta. Uuwi na APC nyan for sure pano pag gusto ko pa rumampa at umaura? wala naman akong kasama kasi nga nasa practice siya ng cotillion. unlike kapag pinili niya ulit yung  speech choir, after ng practice, eh di gora all the way na sa kung saan man. di ba? :(  ewan. minsan kulang na batukan ko to para lang mapilit na wag na sumali sa cotillion eh. lagi ko naman siyang sinusuportahan sa mga pangarap niya eh, hindi ko lang talaga magawa yung sa usaping cotillion. nalulungkot na nga ko kasi kailangan ko pala sanayin yung sarili ko na hindi ko na siya makakaGorahan masyado pag nagcollege na kami. :(. nung absent nga siya, I feel empty and incomplete ika nga nila :D totoo naman eh nasanay na talaga kasi ako na lagi ko tong kasama. kaya talaga pag grumaduate ako, ung APC, si Realize at si ANES yung talagang bonggang bongga kong mamimiss. (taray, kayo na ! ) :D (seriously). wala bukod sa nalulungkot ako kaya nagkuwento ako kay blogspot, wala rin kasi akong magawa. nga pala eto si ANES ..


eto nga pala si ANES. wag na natin siyang ipakilala, itago na lang talaga natin siya :DD
Jan Alfred Christoper Solis aka JAC Lizada. ang arte arte may JAC pang nalalaman :D
                                         

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento