Hanapan ang Blog na Ito

Lunes, Abril 30, 2012

Move on na friend.

How to Love Move on na friend.
Hmm, umiiyak ka na naman? Problemado ulit? Kandado sa kwarto, earphone sa tenga, emo ang peg.  Ay naku, alam ko yang dinadanas mo. Tip ko sayo, uminom ka na lang ng SLURPEEng tunaw at mag MOVE ON! Ilang beses na ba nagyari saken to? Siguro di na din mabilang. Partida, wala pa kong nagiging boyfriend nyan ah pero madalas ako mag move-on. 

MOVING-ON, oo sa una mahirap yan. Kailangan mo munang dumaan sa napakaraming hirap. Balde-baldeng luha, sakit sa puso, altapresyon, diabetes, etc. Pero pagkatapos mong maranasan yan, marerealize mo na, mukha  ka palang tanga. Oo yan din ang aking napagtanto. wala namang masama kung umiyak ka kasi masakit nga naman kapag broken ka lalo na kung nakipagbreak na siya sayo, niloko ka niya o di kaya ay pinaasa ka lang o kaya yung mga senaryong “pwedeng hanggang friends  lang tayo?”. (Awch. may naalala. Iyak na yan oh) Pero wag kang masayadong OA naman yung tipong nagwawala ka na, naglalasing, umiinom ng baygon, zonrox, shampoo with matching conditioner, etc.

Well anyways, pag-usapan natin ang mga steps para mag move-on. Based on my experience, maraming ways kung paano.

1.)    Ilayo ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya. Pwedeng itapon ang mga gamit na nagpapaalala sa mga sakit na iyong naranasan. Kung gusto mo sunugin mo na lang yung mga remembrance na galing sa kanya (para sa mga bitter to). Kung trip mo rin, ipakain mo na lang sa aso yung picture niya.
2.)    Magpakasaya. Hmm, maraming uri ng pagpapakasaya. Pero hindi yung tipong tatambay ka sa bar at magpapakalasing. Sumama ka sa mga kaibigan mo at gumala kayo sa kung saan-saan. O kaya mag “ME time ka”. mag shopping ka mag-isa. Mag-muni muni sa tahimik na lugar (try mo sa sementeryo). O kaya sumakay ka na lang sa ibat-ibang rides (anchors away, space shuttle, escalator, elevator, etc. ) basta yung mahihilo ka.
3.)    Mahalin mo ang sarili mo. Nung una ko narinig to, kala ko pagiging selfish yung pagmahal sa sarili. Pero hindi naman pala. ibig sabihin lang nito, magkaroon ka ng pagpapahalaga sa sarili mo. Give yourself a break. Kung gaano mo pinahalagahan yung taong minahal mo, ganun din ang Gawin mo sa sarili mo. Magkaroon ka ng time for yourself. Magpaganda ka. malay mo, pagnakita ka na niyang blooming, magsisi siya na pinakawalan niya ang babae/lalaking kagaya mo ;) (yun oh ! lumakas ang loob)
4.)    Make yourself busy. Marami namang bagay na pwedeng pagka-busyhan eh. Magtrabaho ka. mamasukan kang elevator operator sa Makati city hall (basta dun ka madalas sa 18th floor). Masaya rin kung itatary mo magbilang ng street light sa barangay niyo, magbilang ng langgam sa pader o manghuli ng langaw. O kaya makipagtitigan sa mga tarsier. oh di kaya mamasyal ka sa Paris, New York o sa mga overpass ng Edsa.
5.)    Uminom ng Pain killer. Bakit may pain killer dito? Haha. Try mo lang uminom, baka gumaling ka. try mo uminom ng gamot (biogesic, dolfenal, ascof lagundi syrup, alaxan , efficascent oil,katinko etc.) Oh kaya magmiryenda ka na lang ng anesthesia. 
6.)    Step forward. Basta laging keep moving forward. Wag ka ng lumingon para maka-move on ka na. Iwan mo na yang mga nakasanayan mong gawin with him/her. Ibahin mo ang iyong routine. Mag Aerobics ka na lang everyday  o kaya sumali ka sa Milo Marathon. (connect?)
7.)    Matutong lumandi. Isa ito sa mga pinaka effective ways para maka-move on. (tried and tested) makipag-fling ka. lumabas ka sa bahay niyo. Explore the outside world, Maghanap ng gwapo/maganda. malay mo may Makita ka dyan sa mga kapitbahay mo. Pero tip ko lang sayo, wag masyadong karerin ang panlalandi. Isa-isa lang. Wag ganid. Kasi baka masobrahan at masaktan ka  or worst ikaw ang makasakit.


Anyway, Hi-way, (credit kay Lizada)  yan lang yung mga tip na aking maibibigay. Sa totoo lang, di mo naman kailangan ng steps para maka move-on eh. Ginawa ko lang yan bilang gabay. Pero  na sayo parin yan kung anung gusto mong paraan para maghilom ang mga sugat na nariyan sa iyong puso (sakit sa ilong).  Tandaan mo na pag-umibig at nasaktan, wag kang umarte dyan na parang katapusan na ng mundo. Lahat tayo, siguro, nakaranas ng magmahal ngunit nabigo. Sabi nga ni Juris, (MYMP) Di lang ikaw. Kaya wag kang makasarili. Minsan we have to let go. Kaya nga tayo tinuruan ng nanay natin ng Close Open, para alam natin kung kelan maghohold at magle-letgo (daming alam ! ). Pero kung di ka na tinuruan ng nanay mo mag close open nung bata ka, pustahan tayo nanuod ka lang ng teletubbies at If I know, favourite mo dun si tinky winky (yung kulay violet na may antennang triangle sa ulo na laging may dalang red baguette bag kaya na isyu na isa daw siyang beki). Balik tayo sa pag momove-on, hindi madali ang usaping ito. Matagal bago mo masasabi sa sarili mo  na “I am totally moved on” (say it with feelings) .  Lalo na kung alam mo na nagmahal ka ng tama (dami ulit alam!)  Malalaman mo yan kapag talagang gising ka na sa katotohanan at tanggap mo na ang mga bagay na di mo talaga matanggap dati na kulang na lang magpablotter ka sa barangay hall dahil sa sobrang sakit. oh siya, masyado na tayong natutuwa sa mga pangyayari. To cut the story short, kung broken ka at nais mong makapag-move on, sabay tayong mamundok. Buti pa dun Masaya. Sayaw sayaw lang together with my katutubo friends tas  sabay slide pababa parang nasa rainbow.  Try it now ;)


bago tuluyang magwakas ang kuwento, nais ko munang ibalandra ang aking sarili. epekto ng mga taong kabababa lang sa bundok. :))


yan ang nagagawa ng pag momove-on.
kung saan saan rumarampa. :D




wala binalandra ko lang ang aking pagmumukha.
proud eh napagkamalang model ng sabon sa korea ;)












Walang komento:

Mag-post ng isang Komento