I want! I want! I want! Grabe! super cute talaga ni Rilakkuma at Korilakkuma :> ♥ They are Japanese bears na fictional characters ng isang game. Pero hindi masyadong enough yung knowledge ko sa kanila. Basta super cute kasi nila kaya gustong-gusto ko sila. I want them supeeeeeerrrr :D Promise, mabibili ko din kayo. wait nyo lang ako ha :D ♥♥
When we were out on the playground playing pretend. Didn't know it back then."
Sakto, yan ung kanta na nagplay sa phone ko kanina habang pinagmamasdan ko yung mga bata sa playground. Ang ganda ng kantang yan promise. "Bestfriend" ni Jason Chen (download na agad-agad). Nagpaplano kasi ako kung anong magandang concept para sa documentray film namin for edpsyche ng biglang nagplay yan sa playlist kaya yun, concept na pang movie na tuloy yung naisip ko.
Kanina kasi, napadpad ako sa playground malapit sa school namen. Wala kasi akong mapuntahan dahil nagkaroon ng misunderstanding yung mga kagrupo kong boys pati ako. Kasi naman eh, ang init-init tapos wala pa ko masyado sa wisyo dahil kakagising ko lang (kaya nalate sa praktis) tapos yung mga classmate kong lalaki pinagtripan ako. Kaya yun, na high blood musical ako kanina. Di ko sila pinansin. Andami nilang sinabe saken na grabe lang. mejo nahurt kaya ako kahit na di naman totoo yung mga sinabi nila. sabagay, ganun naman lagi eh, anong bago? Kaya yun, nanahimik na lang ako tapos nagmadali akong magpack-up ng mga gamit ko at nagwalk-out. Talagang pinigilan kong di umiyak kasi nakakahiya sa mga nakakasalubong ko. at dahil nga sa pangyayaring yun, napadpad ako sa Paraiso. (playground) Pag nasa playground kasi ako, feel ko nawawala yung stress ko. Lalo na kung nakiki seesaw ka tsaka nakikislide, saya promise :D. sayang nga nabura yung mga pics ko kanina, navirusan kasi yung phone ko kaya ayun, nawala yung file. (Kain bubog na lang friend). Pero kanina, nakaupo lang muna ako. tapos, pinagmamasdan ko yung mga bata, hanggang sa nagplay nga yung song at nakakatuwa yung mga naiisip ko. Eh kasi may batang lalaki at babae naglalaro sa may monkey bar. Napaka inosente pa nila tignan pero for sure may alam na yan sa love pero still repressed. (pak! taray ng repressed :D) pero totoo naman yun. Iniisip ko, pano kaya kung tong dalawang to, in the future, sila magkatuluyan? Ang galing di ba? kalaro mo lang tapos siya pala yung nakatadhanang maging partner mo para makasama habang buhay. Yung tipong dati, ang alam niyo lang puro laro pero in the future, yung mga anak niyo naman yung makikita nyong naglalaro sa playground na dati nyong pinaglalaruan. Ang cute di ba? Para sa iba, baduy, corny, at kung anu pang lait pwedeng mailagay ng mga haters. Pero para saken talaga mas sweet to kesa sa nagkakilala sa kanto, kinuha number, sila na agad-agad. Yun nga lang, wala akong matandaan na bestfriend ko since bata pa lang. Puro babae yung mga yun eh. Nagkaroon ako ng bestfriend na lalaki nung high school na. Naalala ko lang, may kalaro ako nung five years old pa lang ako na naging crush ko pero lakas maka unrequited love ng lovestory namen. Di ko siya naging bestfriend. Kalaro lang talaga as in. hanggang sa nakita ko ulit siya nung mga 12 years old ako at dun ko siya naging crush nang bongga. 3 years siya lang yung crush ko, pero syempre, walang nangyare. Nagka-gf na siya at yun, dun na ko nagstart mag-move on. Madalas natin makita yung lovestory na, childhood bestfriends sila tapos nung lumaki na sila, sila yung nagkatuluyan. Dati pangarap ko yun eh. pero wag na nga, for sure, dahil 17 years na kong tigang at walang boyfriend, may sinusulat si God na magandang lovestory para saken. Mas nakakakilig pa sa mga pinapanood ko sa TV at net. Hintay-hintay lang pag may time. dadating din yan. :D Tapos nakita ko yung iba nilang kalaro din, may kanya-kanyang ginagawa. Yung iba nakatayo sa swing, yung iba naghuhukay ng buhangin, nagtatawanan, naghahabulan, Alam mo yun na, ang sarap maging bata. Walang hassle sa buhay. Hindi komplikado. walang iniisip na project na ipapasa, hindi iniisip yung pagrereview. Namiss ko tuloy maging bata. bukod sa cute ako nung bata ako, (pagbigyan nyo na please, blogsite ko to :D HAHA), wala akong ginawa kundi maglaro, hindi ko iniisip dati kung masusugatan ba ko o hindi, kung madudumihan ba ko o hindi, basta mairaos ko lang yung paglalaro ko. Pero ngayon, mapapa-"Laslas na friend" ka na lang eh. Ganun talaga, lahat tayo kelangan mag grow up. ano na lang ang mundo kung puro bata ang nakatira? dapat balance. dapat may matanda at may bata.
Dahil sa mga pinag-iiisip ko kanina, kahit papano nawala yung stress ko. :) Tas mga ilang oras din, nakisali na rin ako pati yung mga kaibigan ko sa engineering na biglang dumating dahil magpapraktis daw sila ng sayaw dun. Yun, nangibabawa tuloy yung pagiging optimist ko kahit na andaming kaewanan ang nangyari ngayong araw. Kaya sa mga taong stress, try nyo rin minsan pumunta sa park, o sa playground o sa tabi ng dagat o magjoyride sa MRT. Promise, nakakawala to ng stress. nakakaenjoy pa. Minsan din sa mall ako nagpupunta pero naghahanap lang ako ng mga cute na gamit. (notebook, ballpen, eraser, sharpener, at kung anu-ano pa.) Tapos, pagtrip mo, maghanap ka ng kasama. Mas masaya kasi minsan pag may kasama ka, kahit isa lang. Panget kasi minsan pag madami eh. di sumasang ayon yung iba sa trip ng iba. Unlike pag dalawa lang kayo, mas maayos ang usapan. :D tsaka, imagine mo rin naman di ba, kung mag-isa ka lang sa playground, tapos trip mo magseesaw, oh di ba, goodluck na lang ti. In my overall opinion dito mo mararanasan yung kasiyahan na di mo nararamdaman sa mga materyal na bagay lang. (daming alam :D)
At dahil nga sa nadelete ang mga piktyur ko kanina sa playground, eto na lang yung substitute, ang aking mga cute na pinsan :)) (during the trick or treat)
Czai and Ryan :)) nag-uunahan pa yan sa swing.
HAHA! nag-away yang dalawang yan dahil
sa candy eh :D
Gusto ko din umakyat dyan eh. kaso pambata lang
daw talaga eh. >.<
My Happy moments at the playground :D during the outreach program naman to sa isang bahay ampunan sa Laguna (Center of Hope).
Agawan bahay :D with jac (the bestfriend) and angel.
monkey bar! :))
One of my favorite pic. saya humiga sa damuhan pero
makati nga lang :D
Ay oo nga pala, bago matapos ang blog na to, gusto ko pala ishare sa inyo yung "Bestfriend" na kanta ni Jason Chen. Wala lang, baka makarelate lang kayo. Ako kasi hindi eh, kaya kayo na lang :D
"I pray for all your love Girl our love is so unreal I just wanna reach and touch you, squeeze you,
somebody pinch me This is something like a movie And I dont know how it ends girl But I fell in love with my Best Friend"
I was walking one day in the world with so many labyrinths and saw
a lot of people, busy doing nothing. Saying some sort of shits about random
story of a particular person and sharing their own opinion to their
co-gossipers. As I keep on walking, there are so many things that run through
my mind. I was really confused and there are so many questions in the inside of
mine that needs an answer. How does this person do those things to me? Why do
they have to be so mean? Isn't it unfair? But I have no voice and
courage to speak those words. I'm afraid if stand up and
fight for my principles, I will just be criticized by the society where I
belong with. Who cares? Nobody dares to listen to my kind. Who am
I? I'm just a young blood with nothing, a girl with nothing to give
up but herself. I keep on running in this world, keeps on dreaming and trusting
myself even though I knew it will be another frustrations. I just want to
escape from this misery. I keep on moving, believing that someday, I will be
like them. How I wish to fill their shoes, becoming a successor of
their seats. I felt hopeless as I keep on walking. I think, I think too much.
Things became worst. I let them hold the pen while writing my own story. They
are the one who ruled and ruined my life. It's hard to be a victim in this
camaraderie. It's like my reflection in a mirror is distorted by socially
constructed ideas of "real person". I don't know how to say
those thoughts of mine. If I keep on explaining, People will say that I am defensive.
If I do the opposite and keep myself in silence, they will think that I am a
sinner. What the hell isn't it? I was a prisoner in their eyes.
They don't know me. They don't know my story. They just know my name
but not my story. They don't know the reason for every tear that rolls down on
my cheek every time I remember those melancholic days of my life
where they judge me and they became unfair to me. I just can't understand them.
I tried my best to make out and decipher things but I cannot. I just don't get
their pointless shit reasons. I'm sick and tired of neglecting them while they
are killing me behind my back using their words like knives. Yeah I know, you
don't have to remind me. You don't have to point out my imperfections and
mistakes in life as if I don't even really see them. I'm the sucker and the
loser in these hopeless dreams of mine. I screamed but nobody notice. *sigh*
It's unfair, that's the only phrase that utters in my mouth every time I saw
them laughing and cheering for the things that they don't even deserve. I used
to be in this position. The pain that you have given to me is so excruciating.
You know what? You are only proving that life is really unfair and the world is
full of crap and shits. At least I'm not like thee. A lair, numb. Look and wait
for my turn. Maybe next year, next month, next week, next day or tomorrow, I
will find some colours in this black and white world of us. I will be the one
who sits in your seat, sitting like a boss or worst; there is a big switching
between you and me. You'll see, and I’ll just wait.
Isang araw wala akong magawa. Nganganism kumbaga. kaya naisip ko na mag-blog na lang. sa mga recent post ko puro advice tungkol sa mga sawi sa pag-ibig, mga pinana ni Kupido na hindi nagtagumpay sa Lovelife. kaya para maiba, Inlove naman ang peg natin ngayon.
Naranasan mo na bang mainlove? ( bawal tokis ah. sunugin ko bahay niyo.) syempre ako OO ang sagot kaya lang never akong minahal ng taong mahal ko. kung oo man, bilang kaibigan lang siguro. (drama on) pero di tayo magpopokus dun sa madramang love story ko. Dun tayo magpopokus sa mga panahong inlove ako. at sa mga dream place ko na romantic para makipagdate sa future boyfriend ko :>
Isa sa mga pinag gagagawa ko pag inlove ako at wala talaga akong magawa ay ang pag-daday dream. yung tipong pag tinatamad ako mag blog, mag text, mag tweet, tumayo, maligo, lahat lahat na ay yan yung madalas kong gawin. Ano nga ba yung mga madalas kong iniisip sa mga ganyang panahon? syempre, iniimagine ko kami ng mahal ko na magkasama sa lugar na gustong-gusto ko talaga. sa mga "romantic places" na tinatawag. habang nakikipag emehan ka sa kanya.(yan! maharot!) kaya gumawa ako ng listahan ng mga lugar na pangarap ko na baka pangarap niyo din.
so ang una ay ang.. 1.) Ferris wheel
Isa ito sa mga pangarap ko talaga. yung mataas na mataas ah.yung pag gabi nakikita mo
buong city lights tas sobrang kikiligin ka at mapapa "I do" ka pag nag propose yung mahal
mo dun :D (I do agad-agad? Tulak kita dyan eh) kasi yung nasasakyan ko palang ay yung ferris wheel sa market-market. yung itlog dun. sobrang nag-enjoy nga ko eh. nakakahiya sa five years old kong pinsan na kasama ko sa loob. kaso syempre di mo maiiwasan na isipin, pano kung na stock o biglang tumigil yung ferris wheel? syempre nakakakaba yun. nakakataas ng presyon.
2.)Park
Alam ko matatawa yung mga pilosopo at epal (yung mga taong masarap kaltukan) pag narinig nila
tong lugar na to. well kasi baduy. pero hindi ko tinutukoy yung Makati Park o yung Luneta Park na
parang Divisoria ang peg sa dami ng mga nakikipag emehan. trip ko yung park na kami lang
nakakaalam o yung park na konti lang yung tao. syempre nandun yung eksenang bibilhan ka niya ng
balloon dun sa manong na nagbebenta habang kinikilig na na animoy nanunuod sa kapamilya gold. tas bibigyan ka nung guy ng pink or yellow flower habang may mascot na malapit sa inyo (ay bet ko talaga to).
3.)Bundok
ayan, eto ang aking favorite place sa tuwing ako'y nadedepress. gaya nga nung nasabi ko sa mga recent blogs ko, masaya mamundok lalo na pag problemado ka. kaya lang naisip ko, pwede rin naman siguro maging romantic ang bundok di ba? may karapatan din siya. pero anyhow, pag nasa taas ka talaga ng bundok, magaan sa feeling. lalo na pag kasama mo pa yung taong mahal mo di ba? tapos sabay kayong magiislide pababa haha di joke lang, syempre dun lang kayo magrerelax.
4.)Rooftop
Eversince, gustong gusto ko talaga sa matataas na lugar. kasi sobrang nakakarelax. makikita mo ung mga ilaw na parang stars pag gabi. Yung pinakamataas ko pa lang na napuntahan yung tuktok ng Makati city hall. Ang ganda kaya super kaya lang hapon e.kitang kita ung buong Makati :) Tapos noh, habang magkasama kayo dun, may surprise sya sayo o kaya habang nakatalikod ka, susuotan ka niya ng necklace yiee :'''> (tapos sabay tinulak ka e noh? haha)
5.)Sa tabi ng dagat
Ang romantic kaya kapag nakaupo kayo sa buhangin habang pinapanood ung sunset. di ba? tapos, dun lang kayo. hanggang lumubog ung araw. Tapos nakahiga ka lang sa shoulder ng mahal mo tapos ikikiss ka nya sa forehead. Hayyyy, ang sweet nu grabe. pag ganun, dun na ko titira sa dagat. :D
6.) Paglabas sa bahay, biglang may surprise
Alam mo yung senaryo na, paglabas mo ng bahay, biglang may mga random na tao ung magbibigay sayo ng kung ano anong gamit tapos un pala ung clue mo para malaman kung nasan talaga ung mahal mo tapos pag nakolekta mo na lahat ng clue, makikita mo sya sa dulo tapos may prinipare syang surprise talaga para sayo. Parang extra challenge ang peg. Ang sweet nun sobra.
So yun lang naman yung mga dream place ko na para sakin romantic. Para saken lang naman, kung nababaduyan ka, bahala ka sa buhay mo (dun ka ng pampam ka :D) at para naman sa mga kaparehas kong kinikilig sa mga gantong lugar. Mabuhay tayo! Tayo tayo na lang nagdadamayan dito haha :D tama na nga tong mga halusinasyon na to, ang harot ko na masyado, wala namang lovelife haha. Cut na.
Syempre, hindi ako mawawala dapat sa eksena, kaya umaura na naman ako sa Favorite place ko :D
naghahanap ako ng lalaki ko. di nila ko sinasamahan eh :D
Iniisip kita, kaya lang di mo ko iniisip e :( (drama on lang peg :D)
Minsan, naiinis ako sa sarili. Bat ba lagi na lang ako nasasaktan? eh kasi antanga ko e. Kala ko may taong kaya akong mahalin bilang ako. kala ko laging ako yung bida. kala ko siya na. kala ko pagkakataon ko na. kala ko okay na. Un pala ..
Bwisit na akala yan. san ba kasi nakuha yang salitang yan? sino ba nag-imbento nyan ng mapektusan. Sakit pala no. Limang letra pero sobrang mali. Sobrang sakit sa parte ko. Minsan tinitignan ko sarili ko sa salamin. anu bang mali saken? anu bang meron sa pagkatao ko? kaso lang, binabalik lang ng salamin yung tanung ko. kainis. Minsan di ko maiwasang mainsecure sa iba. eh kasi naman, ewan. Ayoko na mag-isip. mas lalo lang akong masasaktan.
Ganto kasi yun, isang araw, naniwala ako sa mga kasinungalingan nila. Kasinungalingan tanging "bullshit" na lang ang nasabi ko. Hirap pala mga dre ang umasa sa mga matatamis na salitang binibitawan nila at mga kilos na sobrang magpapahulog sayo sa bitag. Gustong ko pektusan sila, kaso anung karapatan ko? girlfriend ba ko? hindi eh. Ni hindi pa nga ko nililigawan eh. Kaya yun, iniiyakan ko na lang yung unan ko.
Hmm, umiiyak ka na naman? Problemado ulit? Kandado sa
kwarto, earphone sa tenga, emo ang peg. Ay naku, alam ko yang dinadanas mo. Tip ko sayo, uminom ka na lang ng SLURPEEng
tunaw at mag MOVE ON! Ilang beses na ba nagyari saken to? Siguro di na din mabilang. Partida, wala pa kong nagiging boyfriend
nyan ah pero madalas ako mag move-on.
MOVING-ON, oo sa una mahirap yan. Kailangan mo munang
dumaan sa napakaraming hirap. Balde-baldeng luha, sakit sa puso, altapresyon,
diabetes, etc. Pero pagkatapos mong maranasan yan, marerealize mo na,
mukha ka palang tanga. Oo yan din ang
aking napagtanto. wala namang masama kung umiyak ka kasi masakit nga naman
kapag broken ka lalo na kung nakipagbreak na siya sayo, niloko ka niya o di
kaya ay pinaasa ka lang o kaya yung mga senaryong “pwedeng hanggang friends lang
tayo?”. (Awch. may naalala. Iyak na yan oh) Pero wag kang masayadong OA naman yung tipong nagwawala ka
na, naglalasing, umiinom ng baygon, zonrox, shampoo with matching
conditioner, etc.
Well anyways, pag-usapan natin ang mga steps para mag
move-on. Based on my experience, maraming ways kung paano.
1.)Ilayo ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya.
Pwedeng itapon ang mga gamit na nagpapaalala sa mga sakit na iyong naranasan.
Kung gusto mo sunugin mo na lang yung mga remembrance na galing sa kanya (para
sa mga bitter to). Kung trip mo rin, ipakain mo na lang sa aso yung picture
niya.
2.)Magpakasaya. Hmm, maraming uri ng pagpapakasaya.
Pero hindi yung tipong tatambay ka sa bar at magpapakalasing. Sumama ka sa mga
kaibigan mo at gumala kayo sa kung saan-saan. O kaya mag “ME time ka”. mag
shopping ka mag-isa. Mag-muni muni sa tahimik na lugar (try mo sa sementeryo).
O kaya sumakay ka na lang sa ibat-ibang rides (anchors away, space shuttle,
escalator, elevator, etc. ) basta yung mahihilo ka.
3.)Mahalin mo ang sarili mo. Nung una ko narinig
to, kala ko pagiging selfish yung pagmahal sa sarili. Pero hindi naman pala.
ibig sabihin lang nito, magkaroon ka ng pagpapahalaga sa sarili mo. Give
yourself a break. Kung gaano mo pinahalagahan yung taong minahal mo, ganun din
ang Gawin mo sa sarili mo. Magkaroon ka ng time for yourself. Magpaganda ka.
malay mo, pagnakita ka na niyang blooming, magsisi siya na pinakawalan niya ang
babae/lalaking kagaya mo ;) (yun oh ! lumakas ang loob)
4.)Make yourself busy. Marami namang bagay na
pwedeng pagka-busyhan eh. Magtrabaho ka. mamasukan kang elevator operator sa
Makati city hall (basta dun ka madalas sa 18th floor). Masaya rin
kung itatary mo magbilang ng street light sa barangay niyo, magbilang ng
langgam sa pader o manghuli ng langaw. O kaya makipagtitigan sa mga tarsier. oh di kaya mamasyal ka sa Paris, New
York o sa mga overpass ng Edsa.
5.)Uminom ng Pain killer. Bakit may pain killer
dito? Haha. Try mo lang uminom, baka gumaling ka. try mo uminom ng gamot
(biogesic, dolfenal, ascof lagundi syrup, alaxan , efficascent oil,katinko
etc.) Oh kaya magmiryenda ka na lang ng anesthesia.
6.)Step forward. Basta laging keep moving forward.
Wag ka ng lumingon para maka-move on ka na. Iwan mo na yang mga nakasanayan
mong gawin with him/her. Ibahin mo ang iyong routine. Mag Aerobics ka na lang
everyday o kaya sumali ka sa Milo
Marathon. (connect?)
7.)Matutong lumandi. Isa ito sa mga pinaka
effective ways para maka-move on. (tried and tested) makipag-fling ka. lumabas
ka sa bahay niyo. Explore the outside world, Maghanap ng gwapo/maganda. malay
mo may Makita ka dyan sa mga kapitbahay mo. Pero tip ko lang sayo, wag
masyadong karerin ang panlalandi. Isa-isa lang. Wag ganid. Kasi baka masobrahan
at masaktan ka or worst ikaw ang
makasakit.
Anyway, Hi-way, (credit kay
Lizada) yan lang yung mga tip na aking
maibibigay. Sa totoo lang, di mo naman kailangan ng steps para maka move-on eh.
Ginawa ko lang yan bilang gabay. Pero na
sayo parin yan kung anung gusto mong paraan para maghilom ang mga sugat na
nariyan sa iyong puso (sakit sa ilong). Tandaan
mo na pag-umibig at nasaktan, wag kang umarte dyan na parang katapusan na ng
mundo. Lahat tayo, siguro, nakaranas ng magmahal ngunit nabigo. Sabi nga ni
Juris, (MYMP) Di lang ikaw. Kaya wag kang
makasarili. Minsan we have to let go. Kaya nga tayo tinuruan ng nanay natin ng Close Open, para alam natin kung kelan
maghohold at magle-letgo (daming alam ! ). Pero kung di ka na tinuruan ng nanay
mo mag close open nung bata ka,
pustahan tayo nanuod ka lang ng teletubbies
at If I know, favourite mo dun si tinky winky (yung kulay violet na may antennang triangle sa ulo na laging may dalang red baguette bag kaya na isyu na isa daw siyang beki). Balik tayo sa pag
momove-on, hindi madali ang usaping ito. Matagal bago mo masasabi sa sarili mo na “I am
totally moved on” (say it with feelings) . Lalo na kung alam
mo na nagmahal ka ng tama (dami ulit alam!)
Malalaman mo yan kapag talagang gising ka na sa katotohanan at tanggap
mo na ang mga bagay na di mo talaga matanggap dati na kulang na lang
magpablotter ka sa barangay hall dahil sa sobrang sakit. oh siya, masyado na
tayong natutuwa sa mga pangyayari. To cut the story short, kung broken ka at
nais mong makapag-move on, sabay tayong mamundok. Buti pa dun Masaya. Sayaw
sayaw lang together with my katutubo friends tas sabay slide pababa parang nasa rainbow. Try it now ;)
bago tuluyang magwakas ang kuwento, nais ko munang ibalandra ang aking sarili. epekto ng mga taong kabababa lang sa bundok. :))
yan ang nagagawa ng pag momove-on.
kung saan saan rumarampa. :D
wala binalandra ko lang ang aking pagmumukha.
proud eh napagkamalang model ng sabon sa korea ;)
Yun, Love na naman ang topic. sa totoo lang, ayoko pag-usapan to eh. bakit? kasi nakakaOP. pero kahit papano, naranasan ko na rin naman magamahal, pero yun nga lang, hindi ko pa nararanasan ang mahalin din ng taong minamahal ko maliban na lang sa mga kaibigan ko at pamilya. kaya nga sigruo kabilang ako sa grupo ng mga "No boyfriend since birth" for short, NBSB.
Masarap ba mainlove? oo naman. minsan nga ang corny at baduy eh, pero wala kang magagawa in the name of love. pag-inlove ka, gagawa ka ng effort para lang makita at makasama ang minamahal mo. yung tipong kahit mukha ka ng tanga, gora pa din ng gora. yung tipong papampam ka sa taong mahal mo para lang mapansin ka niya. yung kahit wala kang load at bigla siyang nagtext kahit GM lang, papaload agad. Yung isasakripisyo mo ang lahat para sa kanya.
eh Masarap ba masaktan? sige pagnahulog ka sa 18th floor ng builiding ng makati city hall tapos walang sumalo sayo tawa ka ha. siyempre masakit. lalo na pag-ikaw lang yung nagmamahal. yung buong akala mo na may gusto siya sayo, na mahal ka din nya at umaasa ka na magiging kayo, tapos mukha ka lang palang tanga? ang saya. Yan na, diyan maguumpisa ka ng umacting ng parang nasa koreanovela. laging may earphone sa tenga, umiiyak ng walang nakakaalam, Gm dito, tweet doon, update ng status dun. booming everyday (yung mukha ng mga taong stress, sabog, wala sa sarili). tapos magiinarte ka na ayaw mong kumain, at ang malupit doon, magsusulat ng suicidal notes, iinom ng mga pampatulog, rat killer, zonrox , shampoo, conditioner with matching laslas sa pulso, sa braso, sa mukha, sa leeg. how nice. saya masaktan noh?
hala e pwede ba umiwas sa love? pwede, kung nailagan mo ang pana ni Kupido ;) kaw bahala dyan. buhay mo yan eh, wag mo ko idamay. pero tweet ka sakin pag nailagan mo talaga ha. well, as I said, lahat tayo nakakaranas mainlove. meron lang talagang mga taong, pa-Demur. kunwari walang alam sa love (tanga-tangahan lang teh o papansin lang?) meron din naman yung mga bitter-bitteran. ayaw daw ng topic about sa love (hala natamaan naman ako) pero deep inside, it's either nasasaktan talaga siya o feeling nasa teleserye lang. Yung pinsan ko ngang si forever 5 ( kasi every birthday nya, pag tinatanong siya kung ilang taon na siya, laging 5 years old ang sagot), inlove na eh. tignan nyo, walang pinipili ang love. Bata, matanda, single, It's complicated, Taken, married, basta pinana ni Kupido, wala ka ng kawala. You have to stay in it whether you like it or not. dalawa lang naman ang kahahantungan nito e, it's either you will be hurt or you will be happy. ako nga tinangka ko na ring umiwas dito eh, kaso lang, di kinaya eh. kaya madalas akong masaktan.(drama on?) Paano ko malalaman kung inlove na ko? hindi naman ako love expert pero, siyempre based on my experience ang aking mga sagot. Nung mga panahong inlove ako, hindi ko alam na inlove na pala ako. nalaman ko lang yun dahil sa mga friends ko. siyempre napakasupportive nila kapag may crush ako. yung tipong nakakabuo mga friends ko ng cheering squad with matching yell pag anjan yung crush ko. tapos habang tumatagal, yung infatuation na yan nagiging malala. nabubuo si "LOVE" everyday and every night, nasa isip mo siya, uso daydreaming sa mga ganyang senaryo. stalker ka niya yung tipong lahat ng account niya sa ibat-ibang website, tinitignan mo at sinusubaybayan . blooming everyday. yung tipong isasacrifice mo ang lahat para lang makasama mo siya. gagawa ka ng paraan para mapansin ka niya. lahat gagawin mo kahit magbuwis buhay. wala kang makikitang pangit sa kanya o tanggap mo siya bilang siya. pag nagPM siya o tinext ka niya, you'll read his/ her messages all over again. di mo siya matignan sa mata ng diretso (maliban na lang kung banlag ka) tapos pagmagkasama kayo, ang saya-saya ng buhay mo, hindi mo alintana ang oras. kasi nga inlove ka na ! (congrats pag may mga ganyang sintomas ka! ) Pano malalaman kung mahal ka rin nya? sinong siya? ah, yung mahal mo. hmm, ewan. depende yan sa tao. pero most commonly, malalaman mo na mahal ka rin ng isang tao kung, he or she is making an effort. for example, pinupuntahan mo siya ng walang dahilan. sabi nga ni Irene (Amnesia girl), bakit mo ba pinupuntahan ang isang tao? kasi mahal mo. (maliban na lang kung bumbay yan o yung mga naniningil ng renta sa bahay, mangungutang, lalo na yung mga makikikain, ay wag mo papasukin yan sa bahay niyo. ) mahal ka rin niya kung concern siya sayo. yung tipong minu-minuto, tinatanong niya kung kamusta ka na, kumain ka na, naligo ka na atbp. pag masydo siyang sweet sayo. special yung treatment niya sayo. Alam mo, mararamdaman mo naman yan kung mahal ka talaga niya. pero tip lang, wag kang masyadong assuming. yung papansinin mo ang lahat ng kanyang ginagawa at daig mo pa ang diksyunaryo sa pagbibigay ng kahulugan kahit wala naman talaga siyang gusto sayo. yung akala mo may gusto siya sayo kasi tinitignan ka niya yun pala hoholdapin ka na. wag promise, masasaktan ka lang. nasaktan ka na hinoldap ka pa. tip ko lang mga fellas. masarap magmahal at masakit masaktan. pag nagmahal ka, kailangan mong sumugal. pagnanalo ka sa sugal, ingatan mo yang napalanunan mo, wag mong ibalato. pag natalo ka, don't loose hope. meaning kung wala pang dumadating, maghintay ka. kung taken na si crush o yung mahal mo, maghintay ka lang din. pero kung wala talaga nangyari sa pag susugal mo, ay ibang laro na lang ang salihan mo. mag chinese garter ka na lang, laking tulong pa nun. isa pa, iwasan maging assuming. okay lang naman maging feelingera kung nararamdaman mo na may something siya sayo pero kung wala, itigil na ang mga ilusyon at halusinasyon. pagnasaktan, wag masyadong over-acting. okay lang namang umiyak eh, pero yung minuminuto ka umiiyak ,pag-iinarte na yan. mabuting gawin pag broken, mamundok at pag nasa tuktok ka na, mag slide ka pababa. masaya promise. oh siya, napapasarap na ang usapan natin. abangan niyo na lang ang susunod na kabanata. to cut the story short, the end.
eto nga pala ako. namundok ako sabi sa inyo eh. lam niyo yung "sa kamay ni hesus"? sa lucban, quezon. grabe sobrang taas at sobrang ganda diyan mga dre. eh nasa bundok ka ba naman kasi.
ayan, sabi ko nga, pag-broken, mamundok at magslide pababa. yun pinaplano ko na ang aking pagiislide. hindi joke, nagsisight seeing lang ako. ganda kasi eh. punta na ! (makapromote lang eh noh? ) :D