I want! I want! I want! Grabe! super cute talaga ni Rilakkuma at Korilakkuma :> ♥ They are Japanese bears na fictional characters ng isang game. Pero hindi masyadong enough yung knowledge ko sa kanila. Basta super cute kasi nila kaya gustong-gusto ko sila. I want them supeeeeeerrrr :D Promise, mabibili ko din kayo. wait nyo lang ako ha :D ♥♥
When we were out on the playground playing pretend. Didn't know it back then."
Sakto, yan ung kanta na nagplay sa phone ko kanina habang pinagmamasdan ko yung mga bata sa playground. Ang ganda ng kantang yan promise. "Bestfriend" ni Jason Chen (download na agad-agad). Nagpaplano kasi ako kung anong magandang concept para sa documentray film namin for edpsyche ng biglang nagplay yan sa playlist kaya yun, concept na pang movie na tuloy yung naisip ko.
Kanina kasi, napadpad ako sa playground malapit sa school namen. Wala kasi akong mapuntahan dahil nagkaroon ng misunderstanding yung mga kagrupo kong boys pati ako. Kasi naman eh, ang init-init tapos wala pa ko masyado sa wisyo dahil kakagising ko lang (kaya nalate sa praktis) tapos yung mga classmate kong lalaki pinagtripan ako. Kaya yun, na high blood musical ako kanina. Di ko sila pinansin. Andami nilang sinabe saken na grabe lang. mejo nahurt kaya ako kahit na di naman totoo yung mga sinabi nila. sabagay, ganun naman lagi eh, anong bago? Kaya yun, nanahimik na lang ako tapos nagmadali akong magpack-up ng mga gamit ko at nagwalk-out. Talagang pinigilan kong di umiyak kasi nakakahiya sa mga nakakasalubong ko. at dahil nga sa pangyayaring yun, napadpad ako sa Paraiso. (playground) Pag nasa playground kasi ako, feel ko nawawala yung stress ko. Lalo na kung nakiki seesaw ka tsaka nakikislide, saya promise :D. sayang nga nabura yung mga pics ko kanina, navirusan kasi yung phone ko kaya ayun, nawala yung file. (Kain bubog na lang friend). Pero kanina, nakaupo lang muna ako. tapos, pinagmamasdan ko yung mga bata, hanggang sa nagplay nga yung song at nakakatuwa yung mga naiisip ko. Eh kasi may batang lalaki at babae naglalaro sa may monkey bar. Napaka inosente pa nila tignan pero for sure may alam na yan sa love pero still repressed. (pak! taray ng repressed :D) pero totoo naman yun. Iniisip ko, pano kaya kung tong dalawang to, in the future, sila magkatuluyan? Ang galing di ba? kalaro mo lang tapos siya pala yung nakatadhanang maging partner mo para makasama habang buhay. Yung tipong dati, ang alam niyo lang puro laro pero in the future, yung mga anak niyo naman yung makikita nyong naglalaro sa playground na dati nyong pinaglalaruan. Ang cute di ba? Para sa iba, baduy, corny, at kung anu pang lait pwedeng mailagay ng mga haters. Pero para saken talaga mas sweet to kesa sa nagkakilala sa kanto, kinuha number, sila na agad-agad. Yun nga lang, wala akong matandaan na bestfriend ko since bata pa lang. Puro babae yung mga yun eh. Nagkaroon ako ng bestfriend na lalaki nung high school na. Naalala ko lang, may kalaro ako nung five years old pa lang ako na naging crush ko pero lakas maka unrequited love ng lovestory namen. Di ko siya naging bestfriend. Kalaro lang talaga as in. hanggang sa nakita ko ulit siya nung mga 12 years old ako at dun ko siya naging crush nang bongga. 3 years siya lang yung crush ko, pero syempre, walang nangyare. Nagka-gf na siya at yun, dun na ko nagstart mag-move on. Madalas natin makita yung lovestory na, childhood bestfriends sila tapos nung lumaki na sila, sila yung nagkatuluyan. Dati pangarap ko yun eh. pero wag na nga, for sure, dahil 17 years na kong tigang at walang boyfriend, may sinusulat si God na magandang lovestory para saken. Mas nakakakilig pa sa mga pinapanood ko sa TV at net. Hintay-hintay lang pag may time. dadating din yan. :D Tapos nakita ko yung iba nilang kalaro din, may kanya-kanyang ginagawa. Yung iba nakatayo sa swing, yung iba naghuhukay ng buhangin, nagtatawanan, naghahabulan, Alam mo yun na, ang sarap maging bata. Walang hassle sa buhay. Hindi komplikado. walang iniisip na project na ipapasa, hindi iniisip yung pagrereview. Namiss ko tuloy maging bata. bukod sa cute ako nung bata ako, (pagbigyan nyo na please, blogsite ko to :D HAHA), wala akong ginawa kundi maglaro, hindi ko iniisip dati kung masusugatan ba ko o hindi, kung madudumihan ba ko o hindi, basta mairaos ko lang yung paglalaro ko. Pero ngayon, mapapa-"Laslas na friend" ka na lang eh. Ganun talaga, lahat tayo kelangan mag grow up. ano na lang ang mundo kung puro bata ang nakatira? dapat balance. dapat may matanda at may bata.
Dahil sa mga pinag-iiisip ko kanina, kahit papano nawala yung stress ko. :) Tas mga ilang oras din, nakisali na rin ako pati yung mga kaibigan ko sa engineering na biglang dumating dahil magpapraktis daw sila ng sayaw dun. Yun, nangibabawa tuloy yung pagiging optimist ko kahit na andaming kaewanan ang nangyari ngayong araw. Kaya sa mga taong stress, try nyo rin minsan pumunta sa park, o sa playground o sa tabi ng dagat o magjoyride sa MRT. Promise, nakakawala to ng stress. nakakaenjoy pa. Minsan din sa mall ako nagpupunta pero naghahanap lang ako ng mga cute na gamit. (notebook, ballpen, eraser, sharpener, at kung anu-ano pa.) Tapos, pagtrip mo, maghanap ka ng kasama. Mas masaya kasi minsan pag may kasama ka, kahit isa lang. Panget kasi minsan pag madami eh. di sumasang ayon yung iba sa trip ng iba. Unlike pag dalawa lang kayo, mas maayos ang usapan. :D tsaka, imagine mo rin naman di ba, kung mag-isa ka lang sa playground, tapos trip mo magseesaw, oh di ba, goodluck na lang ti. In my overall opinion dito mo mararanasan yung kasiyahan na di mo nararamdaman sa mga materyal na bagay lang. (daming alam :D)
At dahil nga sa nadelete ang mga piktyur ko kanina sa playground, eto na lang yung substitute, ang aking mga cute na pinsan :)) (during the trick or treat)
Czai and Ryan :)) nag-uunahan pa yan sa swing.
HAHA! nag-away yang dalawang yan dahil
sa candy eh :D
Gusto ko din umakyat dyan eh. kaso pambata lang
daw talaga eh. >.<
My Happy moments at the playground :D during the outreach program naman to sa isang bahay ampunan sa Laguna (Center of Hope).
Agawan bahay :D with jac (the bestfriend) and angel.
monkey bar! :))
One of my favorite pic. saya humiga sa damuhan pero
makati nga lang :D
Ay oo nga pala, bago matapos ang blog na to, gusto ko pala ishare sa inyo yung "Bestfriend" na kanta ni Jason Chen. Wala lang, baka makarelate lang kayo. Ako kasi hindi eh, kaya kayo na lang :D
"I pray for all your love Girl our love is so unreal I just wanna reach and touch you, squeeze you,
somebody pinch me This is something like a movie And I dont know how it ends girl But I fell in love with my Best Friend"