Isang araw wala akong magawa. Nganganism kumbaga. kaya naisip ko na mag-blog na lang. sa mga recent post ko puro advice tungkol sa mga sawi sa pag-ibig, mga pinana ni Kupido na hindi nagtagumpay sa Lovelife. kaya para maiba, Inlove naman ang peg natin ngayon.
Naranasan mo na bang mainlove? ( bawal tokis ah. sunugin ko bahay niyo.) syempre ako OO ang sagot kaya lang never akong minahal ng taong mahal ko. kung oo man, bilang kaibigan lang siguro. (drama on) pero di tayo magpopokus dun sa madramang love story ko. Dun tayo magpopokus sa mga panahong inlove ako. at sa mga dream place ko na romantic para makipagdate sa future boyfriend ko :>
Isa sa mga pinag gagagawa ko pag inlove ako at wala talaga akong magawa ay ang pag-daday dream. yung tipong pag tinatamad ako mag blog, mag text, mag tweet, tumayo, maligo, lahat lahat na ay yan yung madalas kong gawin. Ano nga ba yung mga madalas kong iniisip sa mga ganyang panahon? syempre, iniimagine ko kami ng mahal ko na magkasama sa lugar na gustong-gusto ko talaga. sa mga "romantic places" na tinatawag. habang nakikipag emehan ka sa kanya.(yan! maharot!) kaya gumawa ako ng listahan ng mga lugar na pangarap ko na baka pangarap niyo din.
so ang una ay ang..
1.) Ferris wheel
Isa ito sa mga pangarap ko talaga. yung mataas na mataas ah.yung pag gabi nakikita mo
buong city lights tas sobrang kikiligin ka at mapapa "I do" ka pag nag propose yung mahal
mo dun :D (I do agad-agad? Tulak kita dyan eh) kasi yung nasasakyan ko palang ay yung ferris wheel sa market-market. yung itlog dun. sobrang nag-enjoy nga ko eh. nakakahiya sa five years old kong pinsan na kasama ko sa loob. kaso syempre di mo maiiwasan na isipin, pano kung na stock o biglang tumigil yung ferris wheel? syempre nakakakaba yun. nakakataas ng presyon.
2.)Park
Alam ko matatawa yung mga pilosopo at epal (yung mga taong masarap kaltukan) pag narinig nila
tong lugar na to. well kasi baduy. pero hindi ko tinutukoy yung Makati Park o yung Luneta Park na
parang Divisoria ang peg sa dami ng mga nakikipag emehan. trip ko yung park na kami lang
nakakaalam o yung park na konti lang yung tao. syempre nandun yung eksenang bibilhan ka niya ng
balloon dun sa manong na nagbebenta habang kinikilig na na animoy nanunuod sa kapamilya gold. tas bibigyan ka nung guy ng pink or yellow flower habang may mascot na malapit sa inyo (ay bet ko talaga to).
3.)Bundok
ayan, eto ang aking favorite place sa tuwing ako'y nadedepress. gaya nga nung nasabi ko sa mga recent blogs ko, masaya mamundok lalo na pag problemado ka. kaya lang naisip ko, pwede rin naman siguro maging romantic ang bundok di ba? may karapatan din siya. pero anyhow, pag nasa taas ka talaga ng bundok, magaan sa feeling. lalo na pag kasama mo pa yung taong mahal mo di ba? tapos sabay kayong magiislide pababa haha di joke lang, syempre dun lang kayo magrerelax.
4.)Rooftop
Eversince, gustong gusto ko talaga sa matataas na lugar. kasi sobrang nakakarelax. makikita mo ung mga ilaw na parang stars pag gabi. Yung pinakamataas ko pa lang na napuntahan yung tuktok ng Makati city hall. Ang ganda kaya super kaya lang hapon e.kitang kita ung buong Makati :) Tapos noh, habang magkasama kayo dun, may surprise sya sayo o kaya habang nakatalikod ka, susuotan ka niya ng necklace yiee :'''> (tapos sabay tinulak ka e noh? haha)
5.)Sa tabi ng dagat
Ang romantic kaya kapag nakaupo kayo sa buhangin habang pinapanood ung sunset. di ba? tapos, dun lang kayo. hanggang lumubog ung araw. Tapos nakahiga ka lang sa shoulder ng mahal mo tapos ikikiss ka nya sa forehead. Hayyyy, ang sweet nu grabe. pag ganun, dun na ko titira sa dagat. :D
6.) Paglabas sa bahay, biglang may surprise
Alam mo yung senaryo na, paglabas mo ng bahay, biglang may mga random na tao ung magbibigay sayo ng kung ano anong gamit tapos un pala ung clue mo para malaman kung nasan talaga ung mahal mo tapos pag nakolekta mo na lahat ng clue, makikita mo sya sa dulo tapos may prinipare syang surprise talaga para sayo. Parang extra challenge ang peg. Ang sweet nun sobra.
So yun lang naman yung mga dream place ko na para sakin romantic. Para saken lang naman, kung nababaduyan ka, bahala ka sa buhay mo (dun ka ng pampam ka :D) at para naman sa mga kaparehas kong kinikilig sa mga gantong lugar. Mabuhay tayo! Tayo tayo na lang nagdadamayan dito haha :D tama na nga tong mga halusinasyon na to, ang harot ko na masyado, wala namang lovelife haha. Cut na.
Syempre, hindi ako mawawala dapat sa eksena, kaya umaura na naman ako sa Favorite place ko :D
![]() |
naghahanap ako ng lalaki ko. di nila ko sinasamahan eh :D |
![]() |
Iniisip kita, kaya lang di mo ko iniisip e :( (drama on lang peg :D) |
![]() |
Model ng "No Entry sign" :D |