*8:30 sa orasan ng cellphone* .. OMG ! nung oras na tengene absent na ko ! >.< .... ay loading 10 %... 50 % ... 100% letse, #MotherFather nakalimutan ko, wala pa lang pasok kasi graduation na later. :'( hayss , naalala ko na naman tong salita na to. ewan parang di naman ako excited mamaya. Pagtingin ko ulit sa phone ko ang daming GM, nagdadrama on yung mga classmates ko pati friends lalong lalo na yung pinaka hot and sexy Vice-president ng aming klase na si CHYNNA PEARL RAIZA ORPILLA AQUINO :D. pero habang binabasa ko GM's nya, super naiiyak ako. ayun nag-umpisa na kong mag reminisce (nahirapan pa ko sa spelling :D).
"ALPHA PHI CHUPAPI" . ang ganda pakinggan, astigin ! kaso sumabit lang sa "chupapi". ito ay hindi naman isang Fraternity o sorority. wala, basta para lang tong pangalan ng grupo kapag may mga groupings sa classroom. feeling frat lang talaga to so yun, kinareer na namin. Di kami nambubully, siguro, pinagtitripan lang namin ung mga klasmeyt namin na kamuka nila ung ugali nila, mga bwisit naming klasmeyt na kala mo nag aaral sa La Salle sa sobrang kaartehan at kayabangan :D . Meron din tong mga rules and mga "initiations". para sa mga kinabwibwisitan na ming tao na gusto sumali dito, ang initiation ay, pag di sila namatay di sila pwede sumali sa frat (hahaha joke lang naman yun). para naman sa mga katanggap tanggap, may tatawiring bundok sa patag (madali lang naman eh). nga pala " Patag", ito ay isang lugar kung saan madalas nagpupulong ang mga board of directors ng Alpha Phi. nahuhubog ang moral mong pagkatao at dito nakakamit ang kalinisang puri at labis na kasiyahan . (basta maraming uri ng kasiyahan) . ayun balik tayo, wait may nagtatanong, kung kelan ba daw to nabuo. hmm, kelan nga ba? di ko na maalala. ang alam ko Division Achievement Test namin yun eh. si DOMINICA BUENCONSEJO ORTIZ (1529- ) , ang founder ng grupong ito, siya ang nakaisip ng pangalan ng grupong ito. alam ko kausap kasi niya nun si Asiong Salompas ( isa sa mga lalaki niya sa bodega ) tas di ko alam kung pano naproseso sa utak ng babaeng yan ang pangalan na iyon. pero proud naman kami sa kanya. ang hirap kaya mag-isip ng pangalan ng grupo lalo na sa mga magagandang babae katulad namin :D (maganda din ako parang awa niyo na :DD ) so yun, nung una di ako masyadong active dito. kasi naman dahil sa SSG, tas nung mga kinalauan na, ayun gora gora na ko sa kanila. narealize ko na anlaki ng naitutulong nila saken pagdating sa emotional aspects pati sa kalandian aspects. basta di ko na matandaan kung kelan yung exact date ng pagkakabuo ng group na ito. tanung niyo sa founder namin, pero atleast hanggang ngayon, buo pa din kami :D . Ano ba mga activity ng Alpha Phi Chupapi? so far madami dami na din. nairaos na namin yung oplan hanap pogi 2011-2012, maraming beses namin nairaos yun. nag-canvass din kami for swimming sa pateros, yun yung lugar na lakad lang kami ng lakad at di namin alam kung may nakakaalala pa kung saan sasakay pauwi . may mga bago din kaming mga projects, Swimming 12-13 alay-lakad 12-13 and continuous gala mode pa din :D basta madami pa yan at dadami pa yan.
hala, naiiyak na ko. andami kong mamimiss na memories natin :'( though hindi ganun kahaba ang pinagsamahan namin ng iba sa mga members dito, feel ko andami kong memories na ma-itetreasure ko, narealize ko, na kayo, yung Alpha Phi Chupapi Members, ang pinaka mamimiss ko, si Jac Lizada na mukang anes, tsaka si Realize :'(((( . ayoko magdrama sa GM kasi mahaba to masaydo para ilagay sa GM di ba? so ipapaprint ko ito at may tig-iisa kayong kopya :D. nalulungkot ako kasi pag pasukan na, ibang school na pala ang papasukan natin, for sure madalang na lang ang pagtambay natin sa Patag dahil iba iba tayo ng sched :'( . may makikilala tayong mga bagong mukha pero kahit na anung mangyari, promise I will never forget you guys. feel ko mahihirapan akong maghanap ng mga kagaya niyo. dahil nag-iisa lang kayo, kumbaga "Unique" at hindi ako nagsisi na nakilala ko kayo. kahit na maraming ugali ang nagbago sakin dahil sa inyo, hindi ako nagsisi, proud ako super. mas nakikita nyo yung totoo kong ugali compare sa family ko. sa inyo ko sinasabi yung mga ibang secrets ko lalo na pag tungkol kay ano.. ewan feeling ko wala akong pakialam sa oras pagkasama ko kayo. mamimiss ko yung tawa lang tayo ng tawa , yung pagiging bangag natin, yung pantitrip natin , mga kalandiaan na ginagawa natin, panunuod ng 3 idiots kila ruthy tas diretso tayo sa patag at ang patuloy na paghahanap ng mga lalaki. Handamee kong mamimiss sa inyo :'(( kaya nga hindi ako naeexcite mamaya sa graduation eh. kung pwede lang irequest na imove na lang yung graduation sa ibang araw e. Alam mo yung feeling na masaya kasi nairaos mo yung apat na taon mong pamamalagi sa PITOGO HIGH SCHOOL. kaso mas nangingibabaw ang kalungkutan kasi ang daming masasayang memories talaga :'(( na super mamimiss mo pag nasa college ka na? kayo yun guys, kayo yung mga taong kasama sa mga bumuo ng masasaya at nakasama ko din during sad days :'((( . narealize ko na super swerte ko kasi kaibigan ko kayo. sigh :'( ayon nga sa GM ng pinakamaganda at hot and sexy nating vice president, "next year, were on to our own different tracks". mga bakla at mamang walang makakalimot ah ! :D by the way gusto ko munang ipakilala sa inyo ang mga bumubuo ng ALPHA PHI CHUPAPI :)
Founder: Dominica Buenconsejo Ortiz (1529- ) - ito yung babaeng matagal ko ng close, 2nd year palang kami magkaibigan na kami :) bangag at madalas parang lasing at may tagalay na kalandian. magaling pumili at mabilis ang mata pagdating sa lalaki . Ito rin yung babae na kapag nagdamit, bakat-bakatan ayon kay chynna. muntik pa nga kami mag-away nito dahil kay denniel eh. (yung choir na crush niya na naging crush ko) pero siyempre, mas pinili ko si dominica kaysa kay denniel ;)
Board members :
Chynna Pearl Raiza Mayores Orpilla -Aquino - ito yung hot and sexy vice president ng aming klase. Mayroon din siyan taglay na kalandian. sa unang tingin, parang anghel dahil tahimik pero hanggang unang tingin lang talaga. ex-seatmate ko na pilit kong inilalayo sa current seatmate niya na madalas sumigaw ng "SEATMATE!". siya rin yung madalas kong kopyahan dati lalo na sa mastery test sa math. magbebell na tsaka lang ako gigising ulit tapos mangongopya na ko sa kanya :D (best seatmate ! sa tanang buhay ko :D)
Ruthmae Fonacier Nisperos III - hmm, hay naku, wala akong masabi dito. siya yung pinakamaganda sa aming grupo. palaging maputi yung mukha. pagdating sa kalandian? lam na. mabilis din ang mata niyan pagdating sa mga lalaki. masaya din kasama to kasi pag inaasar ko to palagi akong nakakatikim ng sabunot. pero siyempre naiintindihan niya rin ako sa sitwasyon ko ngayon kasi dahil kay .. basta.
Loriemae "mimi" G. Mapula- ang babaeng tawa ng tawa. saya kaya tumawa ni mimi. mabait si mimi ngunit sadyang malihim. hindi ko alam ang about sa lovelife niya kasi nga malihim. pagdating sa kalandian? hindi ko masabi kasi nga malihim. sinong crush niya? hindi ko din alam kasi nga malihim. madalas ko rin kopyahan to nung 3rd year kasi magkakagrupo kami dati. mala-anghel din siya dahil sa katahimikan pero di siya katulad nung hot and sexy vice president namin :D
Judith C. Resuello - isang babae na akala mo sa una ay mahinhin. ngunit ako rin ay biktima ng ganitong karahasan. (haha nu daw?) bangag din yan si judith, ayos mantrip at malakas din sa laitan. basta matikas din yan. siya daw si "judithus" ayon sa hot and sexy vice president namin :D (kilala niyo na yun, kanina pa nababanggit eh ) at higit sa lahat minamahal siya ni Henry Tam :)
Boarding house (hahaha joke lang) House of representatives:
Karina Mae Niedo Ricafrente - hmm, maganda, may taglay din na kalandian at bongga manamit (pang philippine fashion week lagi ) at higit sa lahat, siya ang nag-iisang "MAHAL NA BIRTUD"
July Peter Fernandez - oi sinag! musta? hmm, magulo din minsan to si july eh. OT din gaya namin ni ruthy. pero kahit ganyan yan, masaya rin yan kasama kahit na nag dadrama on yan. mahal na mahal niyan si DP :))
Patricia Mae Roxas Zurbito Reyes Maurer- hmm, si paye, cute na bata yan. kala ko dati maldita yan, pero maldita nga. mabait naman yan kahit ganyan yan. pagdating sa kalandiaan? lantaran din yan :) magulo yung apelyido nyan kasi pabago-bago. :D
Manuel Bryan Rodriguez Catayna - ahm, glee addict yan masyado. heart throb pa. bestfriend ko siya nung first year. mabait then gwapo. hmm, may angking kalandian din gaya ng nakasanayan. alam ko naging pop sensation pa to eh. basta sikat tong lalaking? to. :))
Marjorie F. Dagooc- si marjorie, hindi kami ganun ka close pero napagtanto ko na mabait naman pala siya. actually dati ayoko sa kanya kasi madalas akong sungitan nito eh. pero nung nakasama ko na siya sa APC, mabait naman siya. ang alam ko mahal niya din si DP :))
Jenifer Alvarez Chan - siya si "Bruhildz" ayon kay sir Lopez. hmm, masaya rin siya kasama kasi minsan parang wala sa sarili. kahit nakaaway ko tong babaeng to, nagpapasalamat pa rin ako sa diyos kasi naging kaibigan ko siya na madalas manghingi ng pulbo :))
Joseph Mark Asaldo Catayna - haha. eto yung pinakamaganda kong nanay-nanayan. dati nag ppm saken to ng "...girl" kasi may sasabihin bout ka ANES. pero kinalaunan, naging mother ko :) masaya rin to kasama kasi malakas mambasag ng trip at malakas mantrip :D ayun, mahal na mahal niya pa din si ... DAD daw? :DD
at syempre hindi mabubuo yan kung wala ako :)) by the way, ako nga pala ang Tinkerbell na naging dora sa grupo at mayroon ding likas at angking kalandian gaya ng mga nakasaad sa itaas. maganda din naman at maarteng naka ayon sa mukha. :))
Fat :)) aka Patchii